Chapter 15

1.2K 200 20
                                    

L I A

"Maraming salamat po ulit aling Mae."

Pagpapasalamat ko sa kasambahay nila Karl na si aling Mae. Nandito ako sa bahay nila dahil nagbabakasakali akong nandito siya pero kahit pala silang nandito sa bahay nila ay nag-aalala kay Karl dahil ilang araw na raw itong hindi nagpaparamdam.

"Paki balitaan na lang ako ineng ha? Mag-iingat ka sa daan."

Tumango na lang ako at ngumiti kay aling Mae bago magpaalam para puntahan na si Karlita sa condo niya.

Nagpresinta na 'kong pumunta sa condo nito para kumustahin siya. Masyado palang tampuhin si Karl, nag-away lang sila ng papa niya ay 'di na siya nagparamdam. Kahit sa akin ay hindi nagparamdam.

Akala ko tuloy ay sa akin siya may galit. Buti na lang at hindi.

Nagkasagutan kasi sila Karl at 'yung papa niya, chismis lang naman sa akin 'yan ni aling Mae. Kaya pupuntahan ko si Karl, para sa kaniya ko malaman kung totoo.

Chismosa ako pero do'n pa rin ako sa katotohanan, walang kinikilingan, serbisyong totoo lamang.

Hindi naman gano'n kalayo ang condo ni Karl dahil halos malapit lang ito sa school, kaya halos mag-ala ninja ako sa daan para lang 'di ako mapadaan sa condo ni Pilak. Delikado ang isang 'yon, baka yayain na naman ako maglakwatsa.

Nang makapasok na ko sa building ay agad-agad kong pinindot ang 13th floor kung saan ang condo unit ni Karl at nagphone muna dahil pataas palang 'yung elevator, mamaya pa makakababa. Kaya naglaro muna ako ng Among Us.

Ganda na sana ng laro ko eh, kung hindi lang ako pinatay agad. Pagbintangan ba naman akong killer. Sa ganda kong 'to? killer? 'Di ba puwedeng Impostor muna, grabe sila sa killer eh.

Napaurong naman ako sa gilid ng may biglang sumulpot na tao sa harap ko. 'Di ko napansin na bukas na pala 'tong elevator. 'Di man lang ako iniinform ng mga katabi ko.

"Ano kayang nangyari don sa binatilyo sa taas."

Rinig kong sabi ng matanda ng makapasok na kami sa elevator. Napatingin tuloy ako sa taas para makita kung may binatilyo ba do'n. Malay niyo si spider man pala 'yung pinag-uusapan nila, e 'di ang saya kung makaka-face to face ko siya.

"Parang hindi naman niya kasi mga kaibigan 'yung kasama niya kahapon."

Ang tagal naman nito makarating sa 13th floor, naiinip na 'ko.

"Hayaan mo na lang, wala naman sigurong mangyayaring masama sa kaniya."

Rinig ko ulit na sabi ng matanda bago sila lumabas ng elevator, nasa 6th floor palang kami.

Buti na lang at may kasama pa rin ako rito sa loob ng elevator. Nakakatakot kasing mag-isa, baka mamaya i-elevator prank nila ako. Masasapak ko talaga 'yung magpapanggap na multo promise.

Lumabas na 'ko agad sa elevator pagkatungtong nito sa 13th floor. Nag-doorbell na ako agad sa unit ni Karl ng makatungtong na ko sa condo unit number niya. Nakatatatlong doorbell na ata ako pero ni pusang gala ay wala man lang lumalabas.

Wala ba siya rito? Don't tell me galaero na rin ang baklang 'yon.

Pinihit ko naman 'yung doorknob, nagbakasakaling bukas pero 'di ko inaasahang nakabukas nga talaga siya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at kusang nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga nakita ko.

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon