L I A
“Teka, anong sabi mo!?” gulat kong sambit.
Bigla naman siyang tumawa dahil sa naging reaction ko. Tumawa lang siya nang tumawa habang umiiling. Nakakunot ang mga noo kong nakatingin lang sa kaniya.
He's really weird. Like, what the f*, magsasabi siya ng gano'n tapos tatawa siya bigla.
I just made a face habang nakatingin sa kaniya at pinagmamasdan siyang tumawa. Pero agad akong napasandal ng kaunti nang ilapit niya sa 'kin ang kamay niya. He put his index finger on my forehead bago 'yon tinulak ng bahagya.
“'Wag kang mag imagine, I just want to talk to you about something,” natatawa pa rin na aniya.
Umiwas ako ng tingin at inis na pinunasan ang noo ko. “Ano bang pag-uusapan natin?” tanong ko.
Hindi naman siya agad sumagot sa tanong ko. I just waited habang hinahampas ang bawat lamok na dumadapo sa balat ko.
To be honest, hindi talaga ako pumupunta rito sa likod ng bahay tuwing gabi kasi nilalamok talaga ako. Pero itong kasama ko mukhang immune sa lamok o baka iba ang lasa ng dugo ng mga koreano kaya hindi sila nilalapitan ng lamok.
Nanatili lang kami rito. Ako nagtatanggal ng damo sa harap ko habang siya naman ay nanatiling nakatingin sa langit.
Peste, ang dami talagang lamok.
“Kaya ka pala nagiistay rito ay dahil sa pagkawala ng parents mo,” he said in a low voice.
Nagawi sa kaniya ang attention ko at nagtatakhang tiningnan siya. He looked back at me and shrugged his shoulders. “I didn't meant to eavesdrop.”
Umirap ako dahil sa sinabi niya. But I immediately took a deep breath bago ngumiti at tumingala sa langit. Sobrang dilim talaga ng kalangitan ngayon, it feels like na kahit ang mga bituin ay kaya kang iwan basta't ginusto nila.
“Yeah, nawala sila nung 10 years old ako,” panimula ko, reminiscing what happened before. “Alam mo ba 'yung pinaka masakit na part?”
Nararamdaman ko na naman ang pagbabadya ng luha ko but I just ignored it at nanatiling nakatingin sa langit. I saw from my peripheral vision na lumingon siya sa gawi ko. Huminga lang ulit ako ng malalim bago yumuko.
“Masakit lang kasi pumasok ako sa school at umuwi nang may ineexpect na sasalubong sa 'kin na nanay. Pero pagdating ko, isang kumpol ng tao ang nasa paligid habang nakatingin sila sa isang bahay na umitim na ng sobra,” I stopped when I felt my tears rolled down from my eyes. “Ang sakit kasi pag-uwi ko wala na 'kong bahay na tutuluyan dahil sa sunog.”
I stopped again bago huminga nang malalim, “pero mas masakit 'yung hindi mo nakita ang itsura ng magulang mo. They're burnt, nasunog ang buong katawan nila kaya kahit sa burol ay hindi ko man lang sila naaninag.”
Doon na tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha sa mata ko. Ayokong umiyak sa harap ni Pilak pero wala akong magawa kapag family ko na ang pinag-uusapan. I just hugged my knees at sinubsob ang mukha ko doon, crying and sobbing like a baby.
I just wished, makita ko sila kahit sa panaginip lang. It really hurts me na dahil lang sa sumisingaw na gas tank ay namatay ang parents ko, I didn't even see them kaya ayon ang mas kinasasakit ng damdamin ko. Thinking on how much pain they go through makes me want to cry more.
Naramdaman ko naman ang paglapit ni Pilak sa 'kin and the next thing I knew, nakalapat na ang kamay niya sa likod ko. Gently caressing my back, “I might not feel how you've gone through but I know how it felt when you lose someone you love.”
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #1 ] Dumaan ang oras, araw, buwan at ilang taon ng di ko sya nakita. Until one day, we meet again. But I never thought that I'll regret and hate myself for meeting him again. Or let me say, meeting who's not him, again. Is he a doppe...