Chapter 12

1.3K 270 24
                                    

L I A

Nagising ako nang marinig ang pagbukas-sara ng pintuan. Ayoko pa sanang buksan ang mga mata ko pero dinilat ko na para makita kung sino ang pumasok.

"Buti gising kana,” nakangiting aniya.

Kumunot ang noo ko nang makita siya rito sa loob ng kwarto ko. But my eyes suddenly grew bigger when I realized where am I. Agad-agad akong napaupo sa higaan ko pero wrong move, dahil biglang kumirot ang ulo ko.

Shet, ang sakit, ga'no ba karami ang nainom ko kagabi. Hinawakan ko lang ang ulo ko dahil sa sobrang kirot. Narinig ko siyang tumawa bago ko maramdaman ang paglubog ng kama. He's now sitting at the edge of the bed habang tumatawa at nakatingin sa akin.

"Inom pa nga,” natatawang aniya.

I just rolled my eyes on him bago iniwas ang mukha ko at hinarap sa ibang direction. That's when I bit my lips and closed my eyes because of embarassment. Hindi na talaga ako iinom ng marami, sakit sa ulo. Pero mas masakit pag naalala mo lahat ng kabaliwang ginawa mo kagabi.

Pakshet talaga, ba't kasi hindi pwedeng kalimutan ko na lang din ang mga nangyari sa tuwing nalalasing ako eh. Gigil.

Nabaling ang attention ko sa kaniya nang tumayo siya. “Take a bath first bago ka lumabas. I already prepared some food for you,” sambit niya.

Tumango lang ako sa kaniya ng tatlong beses habang nakahawak pa rin sa ulo ko. Parang mas gusto ko na lang muna matulog buong maghapon para mawala 'tong sakit kaysa sa lumabas at kumain. Pero no choice tayo dahil kaunti lang ang kinain ko kagabi, ayokong magka ulcer, 'no.

He just smiled bago tumalikod sa akin at aalis na sana nang tawagin ko siya, “Luis.”

Napahinto siya sa pagbukas ng pinto at lumingon sa akin. His brows are furrowed. "Why?" takhang tanong niya.

Binigyan ko naman siya ng isang ngiti na naging dahilan ng pag kunot pa lalo ng noo niya. “Wala, naninigurado lang na ikaw talaga 'yan,” natatawang ani ko.

Natawa rin siya sa sinabi ko. We both laughed and giggled pero agad din akong napahinto nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin at umupo ulit sa gilid ng kama ko.

Akala ko ba ay lalabas na 'to, ba't nandito na naman.

I tilt my head when he just stared at me, confuse sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. But my brows suddenly furrowed when he chuckled while staring at me. "Iyak na,” natatawang aniya.

I glared at him because of that bago umirap at nagpahalukipkip. Ano na naman ang sinasabi niyang umiyak. Siya paiyakin ko eh, peste siya. Pagkatapos niyang maglihim sa akn, gagantuhin pa niya 'ko? The hell.

Masama lang ang tingin ko sa kaniya pero agad din 'yon nawala nang ngumiti siya sa 'kin. “Namiss ko kasi mukha mo pag-umiiyak,” sambit niya sabay halakhak.

I smile in disbelief bago siya pinaghahampas ng unan. "Lumayas ka nga rito, tangina ka," nanggigil na ani ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo habang hinahayaan akong hampasin siya. He's still laughing though kaya nang hindi ko na siya maabot ay hinagis ko sa kaniya 'yung unan pero sinalo lang niya ito bago tumawa ulit.

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon