L I A
“Ayos ka lang?” he asked while walking towards my direction.
Sinamaan ko siya ng tingin nang maka-recover ako sa pagkakagulat. I still felt my hands trembling a little dahil sa takot pero hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya.
For Pete's sake, akala ko nakapasok na ang stalker ko rito sa loob, 'yon pala ay may kapreng maputi lang na nakatambay sa sala.
I just rolled my eyes on him bago lumuhod para kunin ang mga nahulog kong tupperware, expecting he'll help me pero walang paki ang kuya niyo. Nakatayo lang siya sa tapat ko habang hinihintay akong matapos.
“Salamat ah,” sarcastic kong sabi nang makuha ko na lahat ng tupperware na nalaglag. “Napaka-gentleman mo.”
He just shrugged though, kaya inirapan ko na lang ulit siya bago naglakad papunta sa kusina. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa 'kin, palihim ko lang itong tinitingnan habang nilalagay ang mga tupperware sa dapat nitong paglagyan.
“Bakit?” I asked plainly bago sinara ang cabinet at lumapit sa ref para uminom ng tubig. “May kailangan ka ba?”
“Are you expecting someone?” he suddenly asked. “Para kang nakakita ng multo kanina.”
Napahinto naman ako sa pagsalin ng tubig dahil sa tanong niya. I felt my heart beats fast again pero agad din akong umiling-iling bago pinagpatuloy ang pagsalin. “Sino naman ineexpect ko sa gabi?” natatawa kong bigkas.
He shrugged, “maybe someone that'll flatter your heart?”
Natawa ako sa sinabi niya bago ininom ang tubig na nasa baso. Inubos ko lang ang laman no'n bago siya hinarap. “Alam mo, jetlag lang 'yan. Matulog kana lang do'n,” natatawang ani ko.
But to be honest, I still felt my fear back there. Hanggang ngayon ay medyo nanginginig pa rin ang kamay ko dahil do'n. I just took out a deep breath secretly bago nilagay sa lababo ang baso at humarap ulit sa kaniya.
He didn't move an inch though, nanatili lang ang tingin niya sa 'kin. I just looked back at him pero agad din na kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mukha niya.
I don't know why but his features looks so familiar. “Nagkita na ba tayo dati?” I curiously asked but I immediately shook my head bago pa ito makasagot. “'Wag mo na lang pansinin 'yung tanong ko,” I sighed.
Nababaliw kana, Lia. Imposibleng nagkita na kayo dati dahil sa ibang bansa siya tumira, kahit nga minsan hindi ka pa nakasasakay ng eroplano tapos tatanungin mo ang isang taong taga ibang bansa kung nagkita na ba kayo dati? Buang lang, 'no, Lia.
“Aakyat na 'ko, bahala kana sa buhay mo kung ayaw mong matulog,” I said bago naglakad papuntang hagdan.
I was about to go upstairs nang may maalala ako bigla. “By the way . . .” pagkuha ko sa attention niya. Ngumiti naman ako nang lumingon ito sa 'kin. “'Wag ka nga palang titingin ng matagal sa reflection mo sa tv, baka may makita kang iba. 'Yon lang, goodnight.”
Natatawa akong umakyat sa taas pagkatapos kong sabihin 'yon but I stopped at dahan-dahan na bumaba ulit para silipin kung anong nangyari sa kaniya. And I really can't help myself but to giggle when I saw him covering the tv with his jacket.
Matatakutin din pala ang isang 'to. I just shook my head while smiling at tumaas na nga ng tuluyan sa k'warto ko.
Wala naman na 'kong ibang ginawa kaya nakatulog din ako agad. Nagising ako nang hindi naririnig ang alarm ko. At first, I thought naunahan ko siya but when I saw the time ay nakaligtaan ko pala ang alarm ko.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #1 ] Dumaan ang oras, araw, buwan at ilang taon ng di ko sya nakita. Until one day, we meet again. But I never thought that I'll regret and hate myself for meeting him again. Or let me say, meeting who's not him, again. Is he a doppe...