L I A
"Talaga? Sure ka ba na ngayon mo lang nakita?"
Paninigurado ko pero hindi niya ata narinig 'yon dahil mukhang may kumausap sa kanya. Hindi ko masyadong marinig kung ano ba 'yung pinag uusapan nila pero mukhang seryoso iyon base sa mga tinig na naririnig ko.
Doctor siguro ang kausap niya o kaya naman ay nurse.
[I'll call again later.]
Bago pa 'ko makapagpaalam ay naibaba na niya ang tawag. Gano'n na lang tuloy ang paglukot ng mukha ko dahil sa ginawa nito.
Bwisit, 'di man lang muna sinagot 'yung tanong ko. Mukhang hindi pa ata ako makakatulog nito dahil paniguradong guguluhin ako ng isip ko.
Hirap talaga pag binibitin ka amp.
Tiningnan ko muna 'tong phone ko bago padabog na nilapag sa kama. Gagawin ko na sana ang mga dapat kong gawin nang bigla na naman pumasok si Lyka dito habang may bitbit na mga damit.
"May naiwan ka pa sa sampayan," aniya sabay hagis ng mga damit sa kama ko at lumabas na.
Kainis, hindi na nga lang ako magdadamit. Nakakatamad nang magtiklop.
Tomorrow came without any special happening to my life. Pumasok lang ako at in-attend-an ang lahat ng class ko.
"Alam mo friend kaunti na lang talaga at iiwan na kita," agad naman akong napatingin sa kaniya sabay kunot ng noo. "Lagi ka kasing lutang, ano ka palitaw."
Walang kwenta nitong sabi sa 'kin.
Umirap na lang ako at pinagpatuloy na lamang ang paggawa ng brochure. Hindi ko kasi 'to nagawa kagabi dahil wala akong maisip na creative ideas para maengganyo silang basahin ang brochure ko.
Kailangan ko tuloy dalhin 'tong laptop ngayon para lang matapos 'to agad. Kaya lang pinagsisihan ko rin 'yon dahil ang bigat sa bag ng laptop.
Nandito kami sa bleachers. Kanina pa namin uwian kaya napagdesisyunan kong dito na lang hintayin si Pilak. Dahil gaya ng sabi niya kagabi ay sabay kami pupunta sa hospital.
Itong gaga naman, ewan ko kung bakit buntot nang buntot sa akin. Ako na siguro bagong crush nito ngayon.
"Ano na naman ba 'yang iniisip mo?" chillax na tanong ni Yzah habang kumakain pa ng mik-mik.
Napaisip tuloy ako kung sasabihin ko ba kay Yzah ang tungkol sa 'min ni Luis o hindi na lang. Mahabang usapan kasi 'yon panigurado at alam kong tatadtarin ako nito ng mga tanong.
"May itatanong ako." Tinaasan ako nito ng kilay kaya tinuloy ko na ang sasabihin ko. "May chance ba na makalimutan mo ang isang bagay na importantante sa 'yo?" takhang tanong ko.
Pero bago makasagot ay biglang naubo si Yzah dahil sa nasinghot niyang mik-mik powder. Natawa ako ng kaunti dahil sa nangyari. Ang laki kasi ng ilong kaya lahat ng bagay nasisinghot.
"Depende girl, kasama ko ba 'yung importanteng bagay na 'yon habang lumalaki ako?" nauubong tanong nito.
Agad naman akong umiling bilang sagot ko habang inaabutan siya ng tissue. Kumalat kasi sa mukha niya ang mik-mik, 'di ko talaga alam ba't ko 'to naging kaibigan.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #1 ] Dumaan ang oras, araw, buwan at ilang taon ng di ko sya nakita. Until one day, we meet again. But I never thought that I'll regret and hate myself for meeting him again. Or let me say, meeting who's not him, again. Is he a doppe...