Epilogue

1.4K 58 21
                                    

S I L V E R

“Hindi ka talaga ngingiti?”

He asked for the nth time and just like before, I shook my head while looking directly to the camera. Bumuntong hininga siya dahil sa sinabi ko pero maya-maya ay lumapit siya sa' kin ng husto at nilagay ang mga kamay sa bibig ko, forming a smile on my lips.

“Bakit ba ayaw mong ngumiti?” he asked again but this time habang nasa tutorial class kami.

Nandito kami sa may small library ng bahay, tinuturuan kaming magsalita ng Korean dahil kakalipat lang namin dito sa ibang bansa.

I shrugged. “Ayoko lang.”

Since my mom left me to my father, ay hindi na 'ko ngumiti pa. I don't want to be in here, alam niya 'yon. Pero binigay pa rin niya ko just for the sake of her new husband.

Tama, bunga lang ako ng tuksong nangyari sa kanilang dalawa ng tatay ko.

“Alam mo, naaalala ko sa 'yo 'yung kaibigan ko sa Pilipinas, si Princess,” panimula niya sabay ngiti na naging dahilan kung bakit lumabas ang ngipin nitong may mga braces. “Mahiyain din siya nung una tapos ayaw magsalita pero pag naging close mo na siya, hinding-hindi ka magsisisi na naging kaibigan mo siya.”

Yumuko siya bago bumuntong hininga. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kaniya, still no expression though.

“Lagi kasing may nambubully sa kaniya kaya lagi siyang nakayuko. Mataba raw kasi siya, pero para sa 'kin hindi naman. Masyado lang talaga silang . . .OA.”

tumigil siya sa pagsasalita at nanlalaki ang mga matang tumingin sa 'kin. “'Wag mong sabihin na may nambully rin sa 'yo kaya hindi ka ngumingiti!?” my brows furrowed because of that. “Naku, sabihin mo sa 'kin kung sino! Babalikan talaga natin 'yan pag balik natin sa Pi-----”

Agad ko lang tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko. Masiyado na 'kong nahihilo sa pagyugyog niya sa akin, OA rin talaga 'tong si Luis minsan eh.

“Walang nambubully sa 'kin.”

Nakita ko na lumungkot ang mukha niya at nagpahalumbaba sa lamesa. “Sana patawarin niya pa 'ko,” he sighed.

“Bakit?” I curiously asked.

I'm just curious, alam ko naman na may pagtatampuhan talaga ang mga magkakaibigan pero hindi naman umaabot sa ganitong punto na aalis na nga 'yung isa, may tampuhan pa rin sila.

Bumuntong hininga ulit siya bago ngumiti at lumingon sa 'kin. “Akala niya kasi aalis ako dahil ayoko nang maging kaibigan siya.”

That's so immature.

Well, ano bang mapapala mo sa isang 8 years old na bata. “Pero mas okay nang isipin niyang gano'n nga ang nangyari,” he bit his lips pero kahit anong gawin niya ay tumulo pa rin ang luha nito sa mga mata.

“Alam ko kasing mas masasaktan siya pag nalaman niyang umalis ako dahil sa sakit ko,” he sobbed but at the same time smiling.

Medyo kumirot ang puso ko dahil sa nasaksihan ko. Buong gabi ay hindi ako nakatulog dahil do'n. Luis is never been mean to me, lagi siya nasa tabi ko kahit na alam nilang anak lang ako sa labas.

He treated me like his own brother. Lagi rin niya kong pinagtatanggol sa mama niya although wala naman talagang ginagawang masama sa 'kin si tita.

Kaya gusto kong may magawa naman sa kaniya kahit papa'no. I don't really express my feelings often pero may puso pa rin naman ako.

“Do you want to meet her?” I asked out of nowhere.

Nahinto siya sa pagkukulay kaya sinara ko muna ang librong binabasa ko at tumabi sa kaniya sa lapag. Nandito kami ngayon sa sala, as usual, kaming dalawa na naman ang natira sa bahay. Except for our maids, of course.

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon