L I A
Sinubsob ko kaagad ang ulo ko sa arm chair ng matapos ang napakahaba naming discussion, nangalay na nga ata ang puwet ko sa sobrang haba.
Imagine, 7:30 am to 1:00 pm kaming naka-upo rito, tapos sesermonan ka pa kapag nahuli kang nag-inat ng kaunti or humikab. Sino ba kasi gumawa ng ganito kahabang oras para lang sa isang subject.
"Hoy, friend. Tara na, lunch na tayo," rinig kong sabi ni Yzah habang tinatapik pa ng bahagya ang balikat ko.
I raised my hand to her, "pass muna, hindi ako nagugutom," ani ko.
Inangat ko naman ang ulo ko at humikab habang iniinat ang mga braso ko. Grabe, parang gusto ko na lang mag-half day. Panibagong 5 hours na naman kasi ang susunod naming subject, panibagong pangangalay ng puwet.
"Puyat pa kasi, girl. Mukha ka tuloy zombie," pang aasar niya habang nag aayos ng sarili.
Umirap ako dahil sa sinabi nito. Sa lahat ba naman ng pwede niyang i-compare sa 'kin, zombie pa? Sa ganda kong 'to mukha akong zombie? ew, kagatin ko siya dyan eh, rawr. Chos.
"Alam mo Lia, mukha kang panda ngayon, sarap mo tuloy pakainin ng bamboo," I said, mocking her voice. "Dapat ganito man lang sinabi mo, uso mang-uto kahit paminsan-minsan, friend."
Tinaasan niya muna ako ng kilay bago bumalik sa pagkikilay niya. I just rolled my eyes on her bago inayos 'tong mga gamit ko na nilabas ko kanina para hindi ako ma-bored ng husto. Nag-drawing lang ako sa buong discussion ng mga sticks na tao tapos ginagawan ko sila ng story, ganyan ako ka-bored kanina mga bes.
Tinago na rin naman na niya ang mga gamit niya bago siya nagsalita, "pareho lang 'yon, girl, puyat ka pa rin."
For the nth time, I rolled my eyes on her. Pasensya na, mas lumalala ata ang katarayan ko sa tuwing kulang ako sa tulog. And speaking of tulog, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakatulog kagabi.
Mukha tuloy akong panda ngayon. Baka mamaya riyan may magpakain na talaga sa akin ng bamboo, subukan lang talaga nila para maranasan nilang matuhog gamit din ang bamboo.
"Gaga. Zombie, panget. Panda, cute. Two syllables, one word pero sa spelling ibang-iba sila," pambabara ko sa kaniya.
Tumayo naman na 'ko pagkatapos kong sabihin 'yon dahil ayokong maabutan ng panibagong klase dito, sawang-sawa na 'tong puwet ko kakaupo.
Niyaya ko na si Yzah na lumabas, pero hindi ako sasama sa kanya kumain. Gusto ko lang talaga maghanap ng matutulugan. Pahamak kasi 'yang Pilak na 'yan sa buhay ko. Bakit ba kasi niya 'ko hinalikan sa noo, may gusto ba sa 'kin 'yon? hindi naman sa ma-issue ako ah, pero parang gano'n na nga.
Ewan ko nga rin ba sa sarili ko kung ba't ko 'yon inisip ng magdamag, kainis hindi ba? 'yung feeling na, wala ka naman gusto sa kanya pero ginugulo niya ang isipan mo.
Papalabas na sana kami ng room nang bigla akong napaatras ng wala sa oras. Pati si Yzah ay napahinto dahil biglang may mabilis na tumakbo sa harapan ko. Pero alam niyo 'yung nakakainis? Tinapakan niya 'yung paa ko, taena.
Napahawak agad ako sa paa ko habang napapangiwi dahil sa sakit ng pagkakaapak niya rito. "Sorry ah?!" pahabol na sigaw ko do'n sa babaeng tumatakbo.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #1 ] Dumaan ang oras, araw, buwan at ilang taon ng di ko sya nakita. Until one day, we meet again. But I never thought that I'll regret and hate myself for meeting him again. Or let me say, meeting who's not him, again. Is he a doppe...