L I A
Agad-agad akong tumayo at nagligpit ng gamit nang marinig ko na ang dismissal ng prof namin. Today is Monday, at maluwag-luwag pa ang mga prof ngayon dahil kasisimula palang ng semester.
"Una na 'ko Yzah," paalam ko kay Yzah na umirap lang sa 'kin.
"Landi mo!" pahabol na sigaw nito pero nag wave lang ako ng kamay sa kaniya habang tumatakbo papalabas ng room.
"Nandito kana agad?" Takhang tanong ko sabay tingin sa phone ko to check the time. "Nag cutting ka ba?"
Tumawa lang siya sa sinabi ko at hinawakan ang strap ng bag pack ko.
Nung una, akala ko ay may mali sa strap, 'yon pala ay kinukuha niya ito sa akin. Hindi na 'ko nakipagtalo pa at binigay na lang sa kaniya agad ang bag ko.
"Early dismissal," he explained while intertwining our hands together. "San mo gusto kumain?" tanong niya sabay lingon sa 'kin.
"Ikaw gusto ko."
Nakangiting saad ko na nakapagpangiti din sa kanya.
He smirked. "Masyado pang maaga para sa matured content."
Kusa naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad na umiwas ng tingin. Lumayo fin ako ng kaunti sa kaniya dahil sa kahihiyan.
I heard him chuckled at kasabay no'n ay ang paghatak niya sa 'kin papalapit sa kaniya.
"'Wag kang lumayo," natatawa pa rin na sambit nito kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.
He just shrugged his shoulders at tinuon na lang ang attention sa dinaraanan.
"Diyan na lang tayo sa tapat kumain."
Suggestion ko ng maalalang maaga nga pala magsisimula ang next class namin.
Hindi naman siya nagreklamo kaya nagtuloy-tuloy na kami sa paglalakad papunta sa pinakamalapit na restaurant. Naghanap muna kami ng mauupuan, pagkapasok namin. Masyadong maraming tao kaya medyo nahirapan pa kami. But we still managed to have a table malapit sa glass window.
Kinuha lang ni Pilak ang order ko at siya na lang ang pumila. Hindi naman problema ang mahabang pila rito dahil mabilis naman kumilos ang mga crew and also, kinukuha na nila ang order ng mga customer bago pa sila makapunta sa counter.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin si Pilak kaya nilingon ko na ito sa counter and to my surprise ay siya na pala ang nasa unahan ng pila.
Pero agad kumunot ang noo ko nang makitang ang lawak ng ngiti nina Pilak at ni ateng nasa counter.
"Kailangan ba talagang nakangiti habang umo-order," giit ko sabay kuha sa kanila ng picture.
Lia Dela Puerte sent a photo
Lia Dela Puerte: Happy? Gawa naman kayo GC, loner ako dito oh.
Nakita ko naman na kinuha ni Pilak ang phone niya from his pocket. Agad siyang lumingon sa akin habang tumatawa-tawa pa.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #1 ] Dumaan ang oras, araw, buwan at ilang taon ng di ko sya nakita. Until one day, we meet again. But I never thought that I'll regret and hate myself for meeting him again. Or let me say, meeting who's not him, again. Is he a doppe...