Chapter 34

1.1K 53 8
                                    

L I A

I don't know how many minutes did I waste crying in the restroom.

Pero kahit naman anong pag-iyak ang gawin ko ay hindi na no'n mababalik ang lahat. Part of me regretted what I've just said earlier to him pero sa tuwing naiisip ko na hindi man lang niya kayang maging tapat sa akin ay nasasaktan ako.

I know I was being so unreasonable again pero hindi ko na kasi kaya ang sitwasyon na lagi na lang siyang nagtatago ng katotohanan sa 'kin. Simula dati hanggang ngayon, walang pinagbago.

I calm myself first before deciding to go out and to my surprise, may nakadikit na kung ano sa may pinto sa labas ng restroom.

Tinanggal ko ito sa pagkakadikit at napangiti na lang ng mapakla.

“Ayos ka lang?” nag aalalang tanong niya pagkapasok ko sa working place namin.

Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa kaniya at ngumiti. “Salamat,” I said sabay lapag ng sulat na nakadikit sa labas ng pinto ng restroom kanina.

'Out of order'

I know it's him dahil sa penmanship nito. He purposely do that para walang makapasok na ibang tao sa restroom habang nando'n ako.

He just shrugged and smiled back bago tinupi ang papel at nilagay sa drawer niya. “Baka kailangan ko ulit,” he chuckled bago ngumiti at pumasok sa lab namin.

Hindi ko alam kung ilang araw kong ginugol ang panahon ko sa trabaho para lang makalimutan ko siya. Everything feels so normal except lang sa tuwing gabi ay umiiyak ako, wishing na sana man lang ay lumaban siya kahit na ayoko na.

Pero wala eh, sa ilang araw na 'yon ay hindi man lang siya nagpakita o nagparamdam man lang.

He didn't even texted me nor call me.

“San ka pupunta?” tanong niya nang makitang inaayos ko ang gamit ko.

I smiled to him first bago ko sinukbit ang bag ko, “check up.”

Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Tumawa ako ng bahagya sabay tapik sa balikat niya bago siya nilagpasan. Lumabas na 'ko ng office namin.

Kasalukuyan akong naghihintay nang pagbaba ng elevator nang may tumapik sa balikat ko.

I turn around to see who is it. “Bakit?” I asked with confusion nang makitang bitbit niya ang bag niya.

He smiled. “Sama ako.”

Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya at handa na sanang sermonan nang biglang dumating ang secretary ni chairman.

“Oh, ms. Dela Puerte, pupunta kana sa check up mo?” he asked bago umakbay kay Ren. “Bakit kasama mo 'to? Magpapacheck up ka ba sa utak? Hindi na 'yan madadaan sa check up, mental na bagsak mo agad,” he teased.

Pareho kaming tumawa nito pero tumikhim din nang bigla akong samaan ng tingin ni Ren. Tinaasan ko tuloy siya bigla ng kilay. I'm just laughing, hindi naman ako ang nang asar sa kaniya, 'no.

“Bakit ba?” medyo inis na sagot niya sabay tanggal nang pagkakaakbay ni secretary Villan.

“Oy, pumapalag kana sa kuya mo ngayon ha?”

Inis lang na tiningnan ni Ren ang kuya nito. Natawa na lamang ako dahil sa dalawang magkapatid.

Secretary Villan is older brother of Ren. Pero kahit nasa iisang kumpamya lang ay hindi mo sila makikitang magkasama lagi. Dahil ayaw ni Ren na nachichismis ang kuya nito na lagi raw siyang pinagtatanggol kay chairman kahit hindi naman totoo.

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon