L I A
I immediately stretched my arms while yawning ng magising ako. My eyes are still closed pero binukas ko rin agad sabay tingin sa katabi ko. But he's gone already.
Ang aga naman no'n umalis. Pwede naman namin palabasin na natulog siya sa dati niyang kwarto eh, dahil gaya nga ng sabi ko kagabi, welcome na welcome siya dito sa bahay anytime, everytime, it's showtime.
Umupo na 'ko sa kama kahit gusto pa rin humiga ng katawan ko. Hindi pwedeng kukupas-kupas ngayong exam dahil may 'deduction' na magaganap kapag na-late kami, kahit 1 minute ka lang na-late ay hindi ka pa rin papalagpasin.
Higpit nila, 'no? Sa ibang schools naman ay hindi ganyan. Napapaisip tuloy ako kung bakit do'n pa 'ko nagpaenroll. Nakakastress tuloy.
Tumayo na 'ko ng tuluyan at didiretso na sana sa banyo para maligo nang mapahinto ako bigla dahil sa nakita ko. Agad-agad ko itong pinuntahan at tiningnan ng maiigi kung totoo bang naka-lock 'tong bintana.
Naka-lock nga.
Kung naka-lock 'tong bintana, san lumabas si Pilak? Hindi naman niya pwedeng i-lock 'to mula sa labas.
That's when I thought of something that makes my eyes grew bigger. Agad-agad akong lumabas ng kwarto at tumakbo pababa. Wala akong paki kung madapa man ako or gulo-gulo pa ang buhok ko dahil gusto ko lang makasiguradong hindi totoo ang nasa isip ko.
Hindi pa ko nakakarating sa kusina pero naririnig ko na ang boses ni kuya Paul, kaya mas lalo ko pang binilisan hanggang sa makarating na nga ako rito.
"Oh, Lia, ba't ka nagmamadali?" takhang tanong ni ate Layla.
But before answering her ay nilibot ko muna ang paningin ko sa buong dining area.
Wala siya.
Ano ba kasi 'yang iniisip mo Lia, sinabi niya nga niya kagabi 'di ba na aalis siya bago sumikat ang araw. Bobita ka talaga minsan eh.
Tumingin naman na 'ko kay ate Layla bago ngumiti. “Wala po ate. Akala ko kasi late na 'ko,” nahihiya kong sambit. “ Sige po, mag-aayos lang po muna ako sa taas,” pagpapaalam ko.
Ngumiti lang sa akin si ate Layla bago ako sinagot ng tatlong tango. Binaling ko naman kay kuya Paul ang paningin ko na busy makipag usap sa phone bago ngumiti sa kaniya. Tumalikod na ko pagkatapos no'n at hahakbang na sana paalis nang bigla niya 'kong tawagin.
I turn around again and face him with curiousity in my eyes. Nakita ko na inilapag na ni kuya Paul ang phone niya sa lamesa at tumingin sa akin na parang may kasalanan akong ginawa.
Kinabahan tuloy ako dahil do'n kaya ngumiti na lang ako kay kuya Paul kahit ninenerbyos na 'ko sabay tanong ng, "bakit kuya?"
He leaned on his chair. “Wala ka bang sasabihin kay Lyka?" tanong niya bago hawakan ang mga kubyertos para simulan na ulit kumain.
I immediately gulped as I looked at Lyka na busy lang ngayon sa pagkain. Anong sinasabi ni kuya Paul? Don't tell me nakita niya si Pilak na lumabas ng kwarto ko. That makes me shiver, baka kung ano-ano na ang iniisip ni kuya Paul ngayon. Anong ieexplain ko.
"Ano na Lia?”
Nataranta naman ako dahil sa pagsalita ulit ni kuya Paul kaya wala-walang pasabi kong nabanggit ang mga katagang nakapagpahinto sa kanila, "Sorry."
Yumuko ako pagkasabi ko no'n. Mali naman talaga ang ginawa ko, pinatulog ko si Luis sa kwarto ko kahit na alam kong jowa niya si Lyka. I just sighed because of that at nanatiling nakayuko lang ang ulo habang hinihintay silang pagalitan ako.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #1 ] Dumaan ang oras, araw, buwan at ilang taon ng di ko sya nakita. Until one day, we meet again. But I never thought that I'll regret and hate myself for meeting him again. Or let me say, meeting who's not him, again. Is he a doppe...