L I A
"Anong pinagsasasabi mo?" kinakabahan na sambit ko.
I don't know why am I nervous dahil wala naman kaming ginagawang masama ni Pilak. I mean, why is she telling me this right now?
Sinubsob naman niya ang ulo sa lamesa bago sumagot, "I don't know, ano bang gagawin ko? Ugh!" stress na aniya.
Napaatras ako ng wala sa oras nang bigla niyang sinabunutan ang sarili. I'm just standing here beside her habang nagdadalawang isip kung tatakbo na ba 'ko or tatawag ng mental para mapa-rehab na siya.
Pero syempre joke lang 'yon. Huminga muna ako ng malalim bago umupo ulit sa tapat niya. I just watched her being miserable habang nakapahalumbaba ako sa lamesa. Once in a while lang 'to mga bes, enjoy the view hangga't nandito pa.
“I don't want to lose him, what should I do?” medyo mahinang sambit niya.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. Bakit ba kasi niya sinasabi na ayaw niyang mawala si Pilak---wait a minute, don't tell me. “Nakikipagbreak sa'yo si Pilak---I mean si Silver?" gulat na tanong ko.
She stopped because of what I've said at kahit nakasubsob ang mukha ay rinig ko pa rin ang pagbuntong hininga niya. “No, hindi siya nakikipag-break,” aniya.
Nasisiraan na nga ata 'to ng ulo. Hindi naman pala nakikipag-break sa kanya si Pilak, anong problema niya. Ba't niya sinasabi na ayaw niyang mawala siya. Nakakabobo magkajowa ah.
Napa irap na lang tuloy ako ng kusa dahil 'di ko talaga ma-gets kung anong problema niya. Can someone tell me kung bakit pa 'ko pumunta dito, e 'di sana natutulog na 'ko ngayon at nananaginip na ng maganda.
Stress na nga 'ko, nakakastress pa lalo 'tong si Lyka. "Hindi naman pala nakikipag-break eh. Laki ng problema mo,” medyo inis na sambit ko bago nagpahalukipkip sa harap niya.
Hindi nyo ko masisisi kung ganito ako magsalita, sanay akong lagi kaming nagtatarayan ni Lyka, 'no. So, kahit sa ganitong mga usapan ay nagiging ganito pa rin ang tono ng pananalita ko basta siya ang kausap ko.
Inangat naman niya ang ulo niya bigla at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "I'm the one who wants a breakup,” seryosong sabi nito bago umiwas ng tingin.
Naputol ata ang dila ko dahil sa sinabi niya. Ayaw niyang mawala si Pilak pero gusto niyang makipag-break? Ano 'yon parang, friends lang kayo pero may karapatan kang magselos? No label gano'n.
I sighed. "Magkano ba gusto mo?" tanong ko. She immediately raised a brow because of what I've said. “Ang gulo mo kasi kausap, baka ako pa maunang mabaliw kaysa sa 'yo kaya bibigyan na lang kita ng pera, kausapin mo si Rizal sa piso kung gusto mo.”
Nakita ko naman na umirap siya sa akin kaya agad ko rin siyang inirapan. Hindi ata ako papakabog, 'no.
"Can't you just stop saying things like that? Walang kwenta eh, ang corny pa,” pikon na niya.
I just rolled my eyes before mocking her face. Bumuntong hininga lang naman siya at sinubsob ulit ang mukha sa lamesa. 'Wag na sana siyang tumingala para 'di ko na makita pagmumukha niyang panget.
"You know what?" she suddenly said. Tumingin lang ako sa kaniya kahit hindi naman niya 'ko nakikita. "I never had an ex na naging kaibigan ko. After I broke up with them, we'll turn into a strangers right away."
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #1 ] Dumaan ang oras, araw, buwan at ilang taon ng di ko sya nakita. Until one day, we meet again. But I never thought that I'll regret and hate myself for meeting him again. Or let me say, meeting who's not him, again. Is he a doppe...