Chapter 17

1K 133 10
                                    

L I A

Sa pangalawang pagkakataon ay nilunok ko ang sarili kong laway at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap kay Pilak.

"'Wag na natin gawin 'to, natatakot talaga ako," I said under my breath.

Naramdaman ko ang paggalaw ng mga balikat nito kaya walang pag-aalinlangan ko siyang hinampas sa braso.

Tatawa-tawa pa kasi ang hinayupak.

"Calm down, Lia. Ang layo na ng narating natin tapos ngayon pa natin ihihinto," he whispered to my ears.

It gives me a different feeling.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya nang maramdaman kong tinatanggal nito ang kamay ko sa pagkakapulupot sa bewang niya.

Pero masyado siyang malakas kaya no choice ako kung hindi ang humiwalay. Nilagay nito ang kamay niya sa magkabilaang balikat ko na naging dahilan ng pagtingin ko sa kanya.

"Kaya mo 'yan."

Umiling-iling agad ako dahil sa sinabi niya.

"Natatakot ako, pa'no kung masakit?" kinakabahan kong tanong.

He just chuckled and sinenyasan na ang aalalay sa 'min. Sinenyasan na rin niya ang mag aabang sa 'min sa baba kung sakaling hindi namin kakayanin ang lalim ng tubig.

"Ready na po tayo, ma'am, sir."

Nag sign of the cross muna ako para mapanatag ang loob ko. Bahala na kung ano man ang mangyari sa 'min dito.

Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako dinala ni Pilak. Basta ang alam ko ay nandito kami ngayon sa isang mataas na building at handa ng isakripisyo ang buhay, chos.

But kidding aside, hindi ko talaga alam kung nasan kami dahil nakatulog ako buong biyahe.

Ang alam ko lang ay tatalon kami ngayon mula dito sa mataas na lugar pababa kung saan hindi ko alam kung gaano kalalim na tubig.

May falls siya sa gilid at kitang-kita mo talaga ang ilalim ng tubig. Kulob ang lugar na ito. Napapaligiran kami ng mga halaman at puno. And I must say, it's really peace in here not until niyaya akong tumalon dito ni Pilak.

Bumalik lang ako sa wisyo ng maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. He intertwined our hands while smiling like an idiot to me.

Tiyansing.

"I won't make you fall deeper."

That's what he said bago kami tumalon. Hindi ko tuloy masyadong nasink-in sa utak ko ang sinabi niya dahil busy na 'ko ngayon sa pagsigaw.

Pwede na ata akong pumalit kay Regine dahil sa taas ng boses ko eh, pero kailangan ko munang tumalon dito bago ako makakanta.

Before you knew it, nakalubog na 'ko ngayon sa tubig. Masyadong malakas ang pressure kaya hindi ako makaangat agad. I even felt my shirt got up that makes my tube exposed.

Masiyado ata akong napailalim buti na lang at may humawak sa bewang ko at tinulungan akong makalangoy pataas.

"Ba't ang lalim," reklamo ko habang habol ang hininga.

He laughed. "Anong gusto mo? Mababaw? E di dapat sa rooftop na lang tayo tumalon."

Pinalo ko naman ang likod nito dahil sa sinabi niya. That's when I noticed na nakayap na pala ako kay Pilak. Agad-agad akong lumayo rito pero syempre not that far dahil nakahawak pa rin ako sa braso niya for support.

Hindi ako barko, okay? Mabigat lang ako pero hindi ko kayang lumutang sa tubig.

"What's on your mind?"

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon