Chapter 19

920 92 12
                                    

L I A

"Alam mo bang nakakailan kana?" I said after our lips parted.

He just chuckled to what I said at inalalayan na 'kong bumaba ng hagdan. Pasalamat talaga siya at walang nakakita sa 'min kung hindi, kutos ang matitikman niya.

Dumiretso agad kami sa likod ng bahay para hanapin si kuya Paul. Buti na lang at hindi pa sila nagsisimulang mag-inuman kaya matino pa itong kausap.

"Kay Aria ako makikitulog, kuya Paul," hindi na nagtanong pa si kuya Paul at hinayaan na 'kong umalis.

Madalas naman talaga kaming magsleep over kila Chisisi, kaya lang minsan na lang dahil sa dorm na siya umuuwi at hindi sa bahay nila.

Nagpaalam na rin si Pilak sa kaniya na uuwi na siya. Kinabahan pa nga 'ko nung niyaya ni kuya Paul si Pilak na uminom, pero buti na lang at tumanggi agad si Pilak.

Ngayon lang ako naging thankful na may pasok bukas.

Kinuha ko lang ang school bag ko at nilagay sa back seat ng kotse ni Pilak. Para diretso pasok na 'ko bukas. Ayoko ng pabalik-balik.

"Where should we eat?" tanong agad nito after he starts the engine.

"'Di ka magluluto?"

"'Di pa 'ko nakakapag-grocery."

I just nodded to him at nagsuggest na sa pinakamalapit na restaurant na lang kami kumain.

I didn't bother to pack some clothes dahil may damit naman ako kay Pilak. 'Yon 'yung mga damit na binili niya sa 'kin nung umalis kami. Hindi ko 'yon inuwi dahil baka magduda sila kuya Paul kaya iniwan ko na lang sa condo niya.

Lutang ako sa buong biyahe.

Hininto na ni Pilak ang kotse kaya tinanggal ko na ang seatbelt ko at ready na sanang bumaba ng bigla niya 'kong pigilan.

"Where are you going?" natatawang aniya.

I raised a brow at tumingin sa labas. That's when I realized na kaya lang pala siya huminto ay dahil sa stop light.

Lumakas pa lalo ang tawa niya kaya agad-agad ko siyang sinipa sa legs niya at dali-daling nag seatbelt.

Bwisit, Lia. Kung san-san na naman kasi pumupunta 'yang utak mo.

Hinampas ko lang ulit si Pilak nang marinig ko na naman siyang tumawa. He just bit his lower lip at tumingin sa ibang direction. Umirap ako at tinuon na ang attention sa labas.

"San ka matutulog mamaya? In your room?" tanong nito nang makababa kami ng sasakyan niya.

Siya muna ang pinauna kong bumaba para sigurado na 'di ako magkakamali. Ayokong mapahiya ng dalawang beses, 'no.

"Malamang," I simply said before flipping my hair.

Tumawa ito at umakbay sa 'kin. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya, gutom na 'ko para makipagtalo pa. Naglakad na kami ni Pilak sa entrance ng restaurant at dahan-dahang napunta ang kamay niya sa bewang ko ng makarating kami sa receptionist.

"Good evening ma'am and sir. Table for how many people po?" sinasabi 'yan ni ateng habang kay Pilak lang nakatingin.

I just rolled my eyes nang mapunta ang tingin niya sa 'kin. But she still managed to smile though kahit halata sa mukha niya ang inis.

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon