L I A
“K-Karl, ayos ka lang ba?” nagtatakhang ani ko.
Naramdaman ko naman ang bahagyang paglapit ng mukha niya sa tenga ko. “Makisakay kana lang, bakla,” he whispered bago ulit magsalita ng kung ano-ano.
Napakagat labi na lang ako nang maramdaman ang tingin ng mga taong nasa paligid namin. Mas sinubsob ko na lang ang ulo ko sa dibdib ni Karl at siniguradong natatakpan ng buhok ang mukha ko. Ayokong ma-chismis, 'no.
But I felt Karl's body stiffened as I leaned my head to his chest.
I chuckled because of that. “Bakla, ako lang 'to, masiyado kang kinakabahan diyan,” natatawang sambit ko nang marinig kung ga'no kabilis ang tibok ng puso niya.
Tumikhim naman siya bago ako hinawakan sa magkabilaang braso at nilayo ako sa kaniya. “Masiyado kang abuso. Kadirdir ka,” he's stuttering while avoiding my gaze.
My smile grew bigger sa tuwing umiiwas siya kapag tinatapat ko ang mukha ko sa kaniya. “Bakit ka naiilang?” natatawa kong banggit.
Pero agad akong napahinto sa pagtawa nang titigan niya 'ko ng masama. He rolled his eyes bago ginulo ang buhok niya para bumagsak ito.
I really like it when he does that. Mas bagay kasi talaga sa kaniya ang nakabagsak ang buhok kaysa sa naka brush up. He also took out his fake glasses at sinuot 'yon bago nilahad ang kamay niya sa harap ko.
“Tara na,” seryosong saad niya.
I just smiled bago inabot ang kamay niya. He just smiled back bago ulit ako inirapan. Minsan, sarap kotongan ng baklang 'to. Mas madalas pang umirap kaysa sa akin eh.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang inaayos niya ng bahagya ang nakabagsak niyang buhok. Binabagsak niya lagi ang buhok niya kapag kasama ako simula nung sinabi kong mas gusto kong nakabagsak ang buhok nito.
He's just too sweet, ang sarap tuloy niyang jowain. Magpapakalalaki na nga lang ako.
“Bakit ka nga pala nandito?” I asked curiously.
“May ichichika lang ako sa 'yo,” aniya.
Nagsimula na kaming maglakad habang hinihintay ko siyang magkwento, “may nanlandi sa 'kin kanina na taga school niyo,” nandidiri na aniya.
He even act as if isang virus ang kumapit sa kaniya. Ngumiwi lang ako sa ginawa niya habang napapakamot na lang sa leeg. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na sweet siya.
Ang arte pala ng gaga, mas maarte pa sa 'kin kung umasta.
He just continued to talk about the girl na kumapit daw sa braso niya at tinanong kung may jowa na raw ba siya.
“Naku, Lia, kung nararamdaman mo lang ang naramdaman ko kanina. Sarap talagang manapak,” nanggigigil na aniya.
Tumawa na lang ako sa kaniya lalo na nung tinusok-tusok niya 'yung siomai na kinakain namin dahil sa inis. Sa haba nang kinukwento ni Karl ay napunta na lang kami ng kusa sa may bilihan ng siomai.
His treat of course, ako na nga nakikinig sa sama ng loob niya tapos ako pa magti-treat? Hell no, nagtitipid ako ngayon.
“Sino ba 'yung girl? Baka kilala ko 'yan or much worse baka kaibigan ko pala 'yan, gaga ka.”
He gestured his hand first dahil umiinom siya ng gulaman ngayon, “alam ko kinuhanan ko siya ng pic eh, wait.”
I just nodded and eat my food habang naghihintay sa kaniya. He took out his phone from his pocket at nagpipipindot doon until he found the picture of the girl.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again [COMPLETED]
Teen Fiction[ Until Series #1 ] Dumaan ang oras, araw, buwan at ilang taon ng di ko sya nakita. Until one day, we meet again. But I never thought that I'll regret and hate myself for meeting him again. Or let me say, meeting who's not him, again. Is he a doppe...