Chapter 3

1.8K 407 74
                                    

L I A

"Sino ba kasi 'yung kasama mo? Dali, sabihin mo na," kinikilig na sambit ni Yzah.

I just rolled my eyes on her bago nilipat ng pahina nitong libro na binabasa ko.

We're here at the library while waiting for our next class pero 'tong si Yzah ay hindi ako tinatantanan simula nang makita niya si Karl mula sa malayo kanina.

"I know you, Yzah. Hindi mo tatantanan si Karl dahil ilalagay mo na siya sa listahan ng mga crush mong sandamakmak," sabi ko habang tuloy pa rin sa paggawa ng notes na hindi ko nagawa kahapon.

Nabaling naman ang attention ko sa kaniya nang nagpahalukipkip siya sa harap ko at tatarayan na sana ako nang biglang magbago ang expression sa mukha niya. She smiled at me sweetly bago nagpahalumbaba sa lamesa.

"Alam mo friend, uso 'yung salitang, sharing is caring," sabi niya habang nagpapa-cute sa harap ko.

I made a face because of that, "gaga, 'di bagay sa'yo. Itigil mo na 'yan. Nakakadiri,” nakangiwing sambit ko.

She just rolled her eyes bago umayos ng upo. Tumawa lang ako sa ginawa niya bago umiling-iling at pinagpatuloy na lamang ang pagsusulat.

Pero hindi rin nagtagal ay nagtanong na naman siya sa 'kin, but this time about naman sa jowawers ni maldita.

"Gwapo ba?" excited na tanong niya, “baka chaka?” pagpapatuloy niya.

Tinigil ko ang pagsusulat bago siya tiningnan. "Seryoso, Yzah? 'yan talaga una mong tanong?" I asked.

She just shrugged bago kumindat sa 'kin. “Sagutin mo na lang tapos papalandi ko kay Chisisi para maging broken hearted si maldita."

Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Chisisi is our friend since senior high, samantala kami namin ni Yzah ay magkakilala na simula pa nung junior high kami.

We're not really that close back then, but when we became classmates in senior high ay naging close kami dahil ang isa't-isa lang ang kilala namin noon.

Tumingin ako sa taas, remembering Pilaks' face. "Gwapo naman kahit papa'no," I said while nodding a little.

"Gwapo? As in pasok sa standards mo?" she asked that makes my brow raised.

"No way, ayoko sa mga may ibang lahi. Gusto ko pure pinoy lang, duh," ani ko.

She nodded. "What about his height? Matangkad ba? Baka naman kalahi niya sila Alvin or sila smurfette?”

Natawa naman ako habang umiiling dahil sa sinambit niya. Kung makikita lang niya kung ga'no katangkad ang lalaki ay baka matulala siya.

Do'n mo siguro makikita na may lahi si Pilak dahil bukod sa itsura niya ay ang tangkad niya para maging isang pure pinoy, though wala naman talagang pure na pilipino.

Sasagot na sana ako sa kaniya ng biglang lumaki ang mga mata niya. Even her jaw slightly dropped open while looking at my back.

My brows furrowed bago lumingon sa likod ko and just like her, my eyes double its size when I saw him walking towards our direction.

He's not looking at me though, dire-diretso lang ang paglalakad niya na akala mo ay may red carpet na nakalatag sa dinaraanan niya.

I just looked at him habang umuupo sa tabi ko. But I blink several times when he looked back at me. "Hi,” he smiled.

Tumikhim ako bago umayos ng upo, "anong ginagawa mo rito?" I asked.

He shrugged bago kinuha ang catleya na nasa harap ko. “Just lingering around, para maging familiar ako pagpasok ko bukas."

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon