Chapter 6

1.4K 352 54
                                    

L I A

“May pinapabili pa ba si kuya Paul?” bumalik naman ako sa wisyo nang magsalita siya.

I looked at him as I blink my eyes several times dahil hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko. I'm still behind him pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin binibitawan ang mga ito habang naglalakad kami paikot sa supermarket.

I just faked a cough bago dahan-dahan na inalis ang kamay ko sa kamay niya but I stopped nang higpitan niya pa lalo ang paghawak sa 'kin. He looked at me over his shoulder bago binitawan ang kamay ko.

I thought he's really gonna let go of it pero nagulat na lang ako nang palipatin niya 'ko sa kabilang side bago kinuha ang kamay ko at sinukbit sa braso niya.

“Baka mawala ka,” he smiled.

Natulala ako sa mga ngiti niya. I don't know why but that smile felt something on my chest. Damn that smile, bakit ba ang unfair ng mundo. Maayos naman na ang mukha niya kapag seryoso pero bakit kahit sa pag ngiti ay nakakalaglag panga pa rin.

Unfair.

Tumikhim muna ako bago magsalita, “hindi naman na 'ko bata. I can handle myself,” ani ko at aalisin na sana ang kamay ko mula sa braso niya nang tingnan niya 'ko ng masama.

I stopped pulling away my hand on his arms pero kasabay no'n ay ang pagkunot ng noo ko sa kaniya. “Bakit ka naman ganiyan makatingin, akala mo naman pinakain kita ng tae,” kinakabahan na sambit ko.

Umiwas na lang ako sa kaniya ng tingin at hinayaan na lamang na nakasukbit ang kamay ko sa braso niya. Hinihiling ko lang talaga na walang makakita sa 'min dahil ayoko talagang ma-issue. 'Yan ang pinaka ayoko sa lahat.

Naglibot pa kami ni Pilak sandali sa loob nang makuha na namin ang lahat ng tinext ni kuya Paul sa 'kin. He's now picking some toiletries and other stuff for him kaya ako na muna ang nagtutulak ng pushcart. He even asked me several times kung may gusto daw ba 'ko but I just shook my head everytime he asks. Just like now.

“Are you sure, you don't want anything?” he asked for the nth time habang kumukuha ng isang malaking pack ng tissue.

I just rolled my eyes nang makalapit na siya ng husto sa 'kin, “Ang kulit mo. Sabing wala nga,” I hissed but stopped when I thought of something. “Pero kung may kaibigan kang single, baka naman.”

He glared at me because of what I've just said. But just like earlier, I rolled my eyes on him bago nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ata 'to marunong mag take ng joke. Wala siguro 'tong happy bone sa katawan. Bigyan ko kaya siya ng enervon, para everybody happy, magiging dalawa pa ngiti niya. Isa sa taas, isa sa baba.

Natapos kami sa pag go-grocery bago pa magdilim sa daan. Hinatid lang muna niya 'ko sa bahay bago siya bumalik sa school para sunduin si Lyka. Akala naman nila may forever, walang nagtatagal sa pagitan ng pandak at matangkad, 'no.

Hind bagay, psh.

Ako na ang nag ayos ng mga pinamili namin sa refrigerator habang iniwan ko lang sa sala 'yung nga gamit na binili niya para sa kaniya. Nagkulong lang ako sa kwarto after, at ginawa ang mga ipapasa ko bukas sa school. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakababad sa pag gawa ng school works. Ni hindi ko nga alam kung nakauwi na ba sila Lyka eh.

But I stopped doing my schoolworks nang may narinig akong kalabog. It looks like na nasa taas lang din galing ang kalabog kaya tumayo ako at dahan-dahan na naglakad papalapit sa pinto.

I was about to open the door when I thought of something. Myghad, pa'no kung may nakapasok pala rito sa bahay. Napakabobo mo kasi, Lia, bakit nakalimutan mong i-check kanina kung naka-lock ba 'yung pinto sa baba. Argh!

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon