Chapter 16 : I Hate this Feeling

375 14 8
                                    

Chapter 16

I hate this feeling

****** 

(Narration : Villa's Mansion)

[AN: Villa na, Mansion pa XD]

"Check all the posible locations na pwedeng puntahan ni Celine"

"Sir, napuntahan na po namin lahat ng lugar pero wala po talaga sya doon"

"Damn!"

*Blag*

Binagsak nito ang kanyang kamay sa lamesa ng buong lakas sa sobrang galit, halata sa mukha nito ang pagkadismaya sa balita sa kanya ng mga investigators

"I don't even imagine why Celine do that crazy thing.. Please, kahit halug-hugin nyo pa ang buong Pilipinas para mahanap sya, do it! I don't care, just bring my daughter back" nakayuko na ito sa harap ng kanyang lamesa na may pag aalala sa mukha nito

"We'll do our best Sir" sabay bow ng mga investigators at labas na ng office

"Tito"

"I dont know JM" umupo ito sa kanyang lamesa habang nakahilamos ang mga kamay nito sa kanyang mukha "Tama naman ang pagpapalaki ko kay Celine, I give all to her, ang gusto ko lang naman ay maging masaya sya at maging maayos ang buhay nya.. Pero, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nya at gawin nya ang ganitong klaseng kalokohan"

"Sorry Sir, ako ang huling kasama nya bago sya nawala, kung alam ko lang talaga na mangyayari ito sana hindi nalang kami tumuloy ni Celine sa conference"

"Hindi mo iyon kasalanan JM, ako talaga ang may kagagawan ng lahat" tumayo ito at lumapit sa picture frame ng isang babae "Hindi ko na kayang mamuhay pa sa nakaraan, We need to move on, we always want to move on.. Matagal ko nang tinanggap na wala na talaga si Sandra, I pushed Celine to go to Korea with Me to have a new life and for her future, dahil alam kong iyon din ang makakabuti para sa kanya, but still, she insist! But I think thats my wrong move for pushing her to my decision"

"I understand Tito, Alam ko namang lahat gagawin nyo para lang sa ikabubuti ni Celine, pero hindi din natin masisisi si Celine na gawin ang isang bagay na ganoon, She lost her mother, at alam ko ang lahat ng pinagdaanan ni Celine.. Masyado na syang nasasaktan sa mga nangyari, at hindi na ako magtataka kung ganoon kadisperada si Celine na hindi sundin ang mga utos ninyo"

"I know.." sabay ang isang malalim na hinga "She's matured enough, may sarili na talaga syang pag-iisip, pero bakit hindi nya parin matanggap ang katotohanang wala na si Sandra, ayoko lang na umasa sya sa wala at masaktan, ayokong maranasan nya ang mga naranasan ko noon ng mawala sya, I dont want to see her suffer like me"

"I'll bring her back to you Tito, Promise, gagawin ko ang lahat ng kaya ko, kahit ano pang mangyari, pinapangako kong mahahanap ko sya"

"Salamat JM"

"Can I join you?" Biglang bumukas muli ang pinto at pumasok ang isang kilalang babae

"Trixia?"

**********

(Moore Hotel : Kitchen 10:00 PM)

*Mark's POV*

"Pustahan tayo, hindi na makakabalik ang lalaking yon ano?"

"Mukha ngang hindi na nga talaga sya makakabalik, isang oras na din bago sya ipasok sa loob ng basement na yan hindi ba?"

"Sabi nila, pag pumasok ka daw sa loob ng basement na iyan, hinding hindi ka na daw talaga makakalabas, may sumpa ata yang basement na yan eh, May babaeng multo pa nga daw na pagala gala sa loob"

My Reachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon