Chapter 9
Irrefutable Decision
*Celine's POV*
"Dafuq!! Bitawan nyo nga ako!!"
"Kuya Sem kuya Sem!! Yieee!!"
"Arrrgg!! Nahuhubaran ako anu ba!?"
Natatawa lang ako habang pinapanuod si Sem na kinukuyog ng mga batang halatang gustong gusto sya.. ang cute nilang tignan! ^_^
"Ate Celine! Help!!" nakahiga na sya sa sahig habang pinagkakaguluhan pa din nung mga batang babae at pilit na hinahatak ang damit
"Haha nako Sem, kaya mo na yan"
Nakaupo lang ako sa may malapit na upuan habang pinagmamasdan sila.. hayy, namiss ko talaga ang lugar na ito.. 5 years i guess, nung huling punta namin dito ni Sem.. Sa bahay ampunan.. kung san nagsimula ang lahat
"Nanay tatay gusto kong tinapay" mga batang naglalaro sa gilid.. nakakamiss maging bata
"Miss Celine.. may gusto po ba kayong kainin? Hindi pa kayo naglulunch"
"Kape" sarap sabayan nung mga bata ^_^
"Anu po? Tanghaling tapat kape agad?"
"Lahat ng gusto ko ay susundin mo"
"Hala.. teka lang mam!"
"One.. one two.. one two three" parang kami lang nila Sem nung mga bata pa kami, pero ako lagi ang nananalo
"Tignan mo sila Celine.. parang kayo lang nung mga bata pa kayo.. ang kukulit"
"Mother Sofia!" sabay tayo at yakap kay Mother na katabi ko na pala
"Dalagang dalaga ka na talaga Celine.. at ang laki mo na" pinagmamasdan lang ako ni Mother Sofia habang naiiyak
"Namiss ko kayo mother.. sobra!" yakap ulit ng mahigpit kay mother, bumuhos na din ang aking mga luha sa sobrang saya
"Miss Celine! Eto na po yung kape nyo" biglang sulpot ng aking assistant na halatang hingal na hingal habang may hawak na isang tasang kape
"Kape? Para san?" nagtataka kong tanong.. nagpadala nga ba ako ng Kape?
"Di po ba sabi nyo lahat ng gusto mo susundin ko? Nagbilang pa nga po kayo eh, kaya kumaripas talaga ako ng takbo para lang makapagtimpla ng kape" hingal pa din nyang sagot, napaisip naman ako sa mga sinabi nya
"Haha.. sinasabayan ko lang yung mga batang naglalaro kanina.. pero dahil nagpakahirap ka dito, iinumin ko nalang.. pasensya na ah"
"Wala yun madam!"
"Mother Sofia, wazzup!" bigla namang inakbayan ni Sem si Mother Sofia at sabay halik sa pisngi nito
"Hayy nako Sem, hindi ka pa din talaga nagbabago.. ang kyut! kyut mo pa din talagang bata ka" sabay kurot ni Mother sa magkabilaang pisngi nito
"Mother naman.. pero alam ko naman talagang cute ako eh, haha" sabay yakap ulit kay mother
"Pero bat may lipstick ka dyan sa labi mo Sem? Bakla ka ba?" punung puno sya ng pulbos, pulang pula ang labi at pisngi
"Minakeupan ako nung mga batang yun.. kapitan ka ba naman ng sampung bata =_="
"Hali nga kayong mga bata kayo" sabay yakap naman samin ni Mother "Ang lalaki nyo na talaga, at ikaw Sem, halos hanggang balikat mo nalang ako"
"Ate Celine!!" isang bata ang biglang tumakbo papalapit sa amin
"Popo!! Kumusta ka na?" lumuhod ako ng bahagya para mayakap si popo
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...