Chapter 18 : Missing

289 12 9
                                    

Chapter 18

Missing

(Employee's Room : 9:00 AM)

*Celine's POV*

>__>

Dahil sa may deal kami ni Mark na "Gagawin mo lahat ng gusto ko =_=" >_< Aigoo.. Ito ang unang pinagawa nya sa akin..

Ang linisin ang buong kwarto namin..

Mukhang pinagplanuhan talaga nya lahat ito >_<

Nakasuot ako ng bandana na green sa ulo para matakpan ang buhok ko, kahit kasi nagupitan na medyo mahaba pa din, nakaangat na din yung manggas at may hawak na walis at dustpan.. Woosh.. Ready to fight na!

Kahit papano, malawak din naman ang room, kahit tatlo kaming gumagamit dito, ako, si Mark, at si Ken na nasa double deck natutulog. Ako naman, sa sahig lang.. Pero kahit papano okay lang din kasi may kama pa din, at si Mark, ang may pinaka magulong kama >_<

Sinimulan ko nang ayusin ang kama ni Mark, ang daming nagkalat na libro sa gilid.. 

Teka, pang economics at business ang mga ito ah?

May mga nakita din akong mga gamit na notebook, hindi kaya nag aaral din sya at the same time nagtatrabaho?

Napaupo ako sa kama nya habang pinagmamasdan ang mga librong nakakalat, mukhang masipag nga talaga si Mark, pero wala pa din talaga akong alam tungkol sa kanya.. At sa iba pang taong nandito sa Hotel na ito, halos maglilimang araw pa lang akong nandito eh

Marami pang nakasiksik sa gilid, ipinasok ko ang kamay ko sa ilalim.. May mga damit pa na nasa ilalim at isang

"Ano to?" iniangat ko, at saka ko lang nalaman kung ano talaga ang bagay na iyon >//<

>///< Napaka burara nya talaga!!

(After 30 minutes)

Woosh! Sabay punas sa noo.. Natapos din! Sa kama pa lang nya yan ah >_<

Inilipat ko naman yung mga libro kanina sa study table

Kaya nga dati nagtataka ako kung bakit may study table dito, ngayon alam ko na

May light stand, lagayan ng mga lapis at ballpen na nakabagsak at madaming papel lang ang mga nakakalat sa ibabaw

Puro drawings, notes, at mga drawings pa din, marami ding naka crumple sa may basurahan sa gilid, na halos puno na din sa sobrang daming laman

"Teka?" may isang drawing na kumuha ng atensyon ko

"Ako ito ah?"

Hindi ako pwedeng magkamali, ako ang nasa drawing na ito

Nakasuot ng white dress habang naka upo sa isang bench sa tapat ng beach, hindi ko matandaan kung kelan at saan ito.. Pero ang alam ko lang, ako talaga ito

Pero, bakit mayroon sya nito?

Iniayos ko nalang ulit ang mga nagkalat na papel at iniligpit ang mga kalat sa study table, kahit hanggang ngayon hindi ko pa din maiwasang magtaka, gusto kong itanong sa kanya, pero, ewan >_<

(Corridor)

Ang bigat >_< Ganito ba kadami ang kalat na nakuha ko sa loob >_<

"AAaaaaaaaahhh!! Shu!!"

Huh?

Bigla akong napatingin sa likod kung saan nanggagaling yung sigaw

My Reachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon