Chapter 11
Reaching for the star
*Manager Lee's POV*
"Naka set na ba ang lahat?"
"Yes sir.. Marami na rin pong press sa conference area"
"Ilang minutes na lang ba?" sabay tingin sa aking wrist watch, nase-stress na talaga ako, ang dami pang dapat asikasuhin
"15 minutes sir"
"What!? 15 minutes nalang? Nasaan na ba kasi sila JM at Celine?!" Maygad, pinapataas nila ang altapresyon ko >_< God please give me more patience
"Eh wala pa po sila sir, pinacheck ko na din po sa labas, wala pa rin daw dumadating"
"Nako, maghanda talaga sila ng magandang dahilan para dito" kinuha ko yung phone sa bulsa at nagsimula ng magdial
[Calling.. JM]
[Hello Manager]
"Hello hello ka dyan.. Nasaan na ba kasi kayo anong petsa na! Ilang minuto nalang mag-uumpisa na ang press conference anu ba! Mapapahiya nanaman ako nyan sa mga press!!"
[I'm there in 5 minutes, kalma lang]
"How 'bout Celine, kasama mo ba?"
*Celine's POV*
"Oo nandito sya sa tabi ko. Nandito na kami sa lobby, so dont worry makakarating kami on time" sabay baba ni JM ng hawak nyang phone at pasok sa bulsa nito
Ilang steps na lang.. ilang steps nalang at malapit nang mangyari ang isang bagay na hindi ko na mapipigilan pa. Napakagat na lamang ako sa aking labi habang naglalakad sa lobby ng hotel, habang iniisip kung itutuloy ko pa ba
"Are you okay Celine? Kanina ka pa balisa ah?" tanong ni JM na may halong pag-aalala
"No, I'm fine" pagsisinungaling ko, tuloy tuloy pa din kami sa paglalakad. Parehas kami ni JM na nakaputi.. White tube dress with pink high heels ako at white tuxedo naman si JM. Kailangan maging elegante sa harap ng media
"Ako na magdadala nyan" sabay agaw ni JM sa dala dala kong bag
"No.. Okay lang, ako na" biglang bawi ko naman
"Pero bakit ka naman kasi magdadala ng ganyan kalaking bag, press conference lang naman ang pupuntahan natin?" takang takang tanong nito
"Eh.. just some stuffs" sa ngayon, itong bag na ito ang pinaka importanteng bagay na dala ko.. Mukha syang bagpack na pang school sa laki, pero ito lang ang makakapagligtas sa akin
"Ahm.. Excuse me for awhile, may pupuntahan lang ako"
"Samahan na kita, san ba yan?"
"Restroom"
"Ah.. eh.. you can go now, I'll just wait you here"
Dali dali naman akong naglakad papuntang restroom, naghahanap ng vacant cubicle, buti nalang walang tao dun sa pinaka dulo
Inilock ko ng maigi yung door at isinara yung toilet bowl, at Inilapag yung bagpack doon
*Flashback*
"Gagawa ako ng paraan, tatakas ako" sagot ko, hindi ako susuko na lang ng basta basta
"Pero ate, mahirap yung iniisip mo, mahirap makipag taguan kay papa, alam mo naman siguro kung ano ang mga kaya nyang gawin.. and one more thing, halos lahat ng tao dito sa Pilipinas, kilala ka, kaya kahit na makatakas ka pa, maraming makakakilala sayo"
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...
