Chapter 1 : Great Escape

840 37 8
                                    

Chapter 1

Great Escape ^^

*Celine's POV*

"Maiba naman tayo, dahil puro projects nalang, kumustahin naman natin ang lovelife ng isang Celine Villa, balita ko ikakasal ka na daw kay JM Santos?" Sabay ang hiyawan ng mga audience

"Ahm, wala pong namamagitan samin ni JM, magkaibigan lang po talaga kami.. at hindi po talaga totoo yung tungkol sa kasal" Hayy.. sino naman kayang nagkalat ng tsismis na yun, mga paparazzi nanaman siguro

"Maraming salamat sa paglilinaw Ms. Celine.. at maraming salamat sa paguunlak sa aming mainterview ka"

"Walang anuman"

"Wag kayong aalis at magbabalik ang SSN"

"CUT! Good take" Sabay sigaw ng director namin, kahit na live show ito, may mga ganyan pa din

"Tara na po Ms. Celine" sabay ang pagdating ng aking mga tagapagbantay na nakatuxedo at paghatid sa akin sa hotel kung saan ako pansamantalang titira habang ginagawa ang isang project ko here sa manila, palipat lipat kami ng lugar depende sa project, at nakakapagod ng sobra.. 

kala nyo madaling maging artista? Hindi.. parang kinulong ka sa loob ng selda.. di mo magawa lahat ng gusto mong gawin, at kahit hindi mo naman gusto, gagawin mo pa din..

Pagkadating sa hotel at sa may kwarto, dinasalan nanaman ako ng manager >_<

"Bukas ng 8 AM kailangan mong umattend sa isang morning show, then by 10 AM shooting, 2:30 PM sharp diretso naman tayo isang conference, by 5PM naman, meeting with your new director for another movie, and by 7 PM, shooting ulet, understood?"

"Yes.." walang gana kong sagot habang nakaupo sa may kama

"Okay, so mauna na kami, matulog ka ng maaga, maaga pa tayo bukas" sabay alis nito sa kwarto

"Hayyy" napabagsak na lamang ako sa kama na parang naubusan ng lakas.. di ko na kayang tumayo pa sa sobrang pagod

*brrrr brrr brrr*

Nagvivibrate yung cellphone ko, hayy sino na naman kaya yan?

Agad kong inabot ang cellphone ko sa may bedside table

Si JM, tumatawag..

"Hello"

[Celine, ahm, pwede ka bang makausap?]

"Kinakausap mo na ako"

[Hayy.. mukang bad mood ka nanaman ah, so, pwede mo ba kong samahan magdinner? My treat]

"Wala akong gana ngayon eh, sorry JM"

"Pero wala ka nang magagawa" isang boses ang narinig ko malapit sa may bintana

"JM! Pano ka nakapasok dito?" halos gulat kong tanong,

"Haha, nagpatulong ako kay manong glasscleaner, inakyat ko yung room mo, pumasok ako sa may bintana? Galing no? Sabi ko na nga ba ako si spiderman eh XD"

"Adik ka talaga! Pano kung nahulog ka? Baliw!" grabe? ginawa nya talaga yun? hindi kasi sya basta bastang dapat makita sa labas, alam nyo na? madaming paparazzi,baka gumawa pa ng issue

"Okay na yun, basta nandito na ko, oh bawal na tumanggi ah, magdidinner tayo ngayon ^^" hinawakan nya ang kamay ko at tumakbo palabas, and as usual, pinaghahabol nanaman kami ng mga guards ko

"Ms. Celine!! Tumawag kayo ng mga pulis!" naririnig ko pa din ang sigawan sa likod, pero wala na kong pakialam, natatawa lang ako at si JM, pang ilang beses na din namin tong ginawa eh

Dumaan kami sa fire exit, at sa baba nakaabang ang sasakyan nito

"Woooh! Ang saya nun ah?" halos maghabol ng hiningang sabi ni JM habang nakayuko

"Adik ka talaga, hayy muntik na tayo dun ah!"

"Tara na?" sabay bukas nito sa driver's side door

"Tara!"

My Reachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon