Chapter 6
Alipin na kita
*Marks POV*
(Thursday : 10:00 AM)
"Manang ako na po" sabay abot ng isang mabigat na box
"Salamat iho.. medyo nabibigatan na talaga ako eh.." si manang leya, isa sa mga namamahala ng buong kusina ng hotel
"Dapat hindi na kayo nagbibitbit ng mga ganito kabigat na bagay manang.. iutos nyo nalang po sa iba" inilagay ko na sa may malapit na table yung box
"Kailangan iho eh, marami pa ngang dapat asikasuhin ngayon, marami pang dapat iprepare, naku hindi ko na nga alam kung ano yung uunahin ko eh" habang hawak naman ang isang napakahabang listahan. Abot na hanggang paa yung dulo
"Bakit manang? Ano po bang meron ngayon?" nagtataka kong tanong habang binubuhat pa yung isa pang box sa may gilid.. napansin ko ding medyo busy nga sa buong paligid, may mga trabahador na may binubuhat na mga box papasok, may mga truck ding nagsisidatingan
"Alam mo iho, wala din akong kaide-ideya, ang alam ko lang, may mangyayaring malaking event sa sabado" habang nagsusulat sa hawak nyang papel, checklist ata
"Pero kahit huwebes pa lang kanda ugaga na kami dito sa pagpe-prepare, may mga importanteng tao din kasing ngayon na dadating.. kahapon lang din kami nasabihan ni sungit (supervisor) tungkol dyan.. hay nako sumasakit na talaga ang ulo ko" sabay kamot sa ulo ni manang
"At sino namang sungit ang pinagsasasabi nyo dyan aber?" halos mapatalon kami ni manang sa sobrang gulat ng biglang may sumingit.. Nasa likod lang pala si supervisor >.<
"Ah.. ehh.. masungit ba talaga anak yung JM na yun? Naku mas bagay talaga kayo ni Celine ^^" palusot ni manang
"Manang naman.." nahihiya kong sagot, nangingiti na din.. haha, alam ni manang lahat ng sikreto ko lalo na kay celine.. sya na din kasi yung tumayong magulang ko dito
"Hep hep!"
"Hooray!!" di na namin pinatapos ni manang yung sasabihin ni supervisor.. haha!
"Letche!! Hindi yon! Ehem.. Hep hep! Wag nyo ngang pagsabihan ng ganyan si Mr.JM, Sa katunayan pa nga, sya yung important guest na dumating nung nakaraang araw"
Nandito nung nakaraang araw si JM? Kasama nya kaya si Celine?
"Sya lang po ba mag isa yung pumunta dito?" lubos lubosin na natin ang pangiisyoso habang nasa mood si supervisor ^^
"Hindi, kasama nya ata yung fiance nya.. at nagcheck-in sila sa room 4..."
*Kring kring*
"Ohh sir kayo pala! Yes yes nakahanda na ang lahat, inaantay na lang yung iba pang idadagdag.. Ay ofcourse sir magiging engrande ang lahat.." sabay ang lakad palayo ni supervisor habang may kausap sa telepono
Sayang! Naputol pa yung paguusap namin ni supervisor! >.< Pero sino kaya yung fiance nya? Imposible namang si Celine? Di na sila ikakasal eh ^^
"Huy! Nangangarap ka nanaman dyan ng gising anak!" napansin ata ni manang yung pagkatulala ko
"Haha manang naman oh.. Kung kailangan nyo ng tulong sabihan nyo lang po ako ah"
"Ay tamang tama anak!" sabay ang pagkuha nto ng isang bagay sa kanyang bulsa
"Wala na talaga akong mauutusan pa eh, pero pwede mo bang bilhin ang mga ito sa bayan mamayang hapon?" sabay abot ng listahang sinusulatan nya kanina
"Sige po, tutal balak ko ding pumunta sa bayan mamaya para mamili"
"Mam.. may nagpapadeliver po ng food sa 409" isang maid ang lumapit matapos may kausapin sa may telepono
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...