Chapter 19 : Behind

236 12 5
                                        

Chapter 19

Behind

//Nagiging mala MMK na ata yung chapter names ko >_< Haha

*Celine's POV*

Tumakbo palayo mula sa amin si Mark

Anong gagawin ko?

"Mark!" sigaw ko sabay ang pagtakbo ko na din para mahabol si Mark

Pero bigla na lamang may humawak ng mahigpit sa braso ko

"Bitawan mo nga ako!" napasigaw na lang ako sa sobrang pag aalala at pag-kalito.. Hawak hawak ni Ken ang braso ko

Umiling sya, pero bakit? Ayaw nya bang sundan ko si Mark?

Napahinto na lang ako at binalik ang tingin sa babaeng nasa harapan namin ngayon, bakas na bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang karga karga yung bata na kasama namin kanina, si Matthew

"Mama, what's wrong? Do you know kuya Mark?"

"Shet! Buti nalang talaga hindi nagsasalita yang batang yan kanina no? Duguan na sana ako ngayon xD" bulong ni Ken habang nakatingin sa kanila.. Bat parang wala namang nangyari, normal pa din ang reaksyon ni Ken?

"Let's go? Nag-aantay sa atin si Papa sa itaas" napatingin naman ulit ako sa babaeng nasa harap namin nang bigla itong magsalita, napatingin ito sa amin "Arigatou" at sabay ang pag-bow nito ng bahagya

Napabow din naman ako, nginitian lang sya ni Ken, pero nalilito pa din talaga ako >_< 

Naglakad na sya palayo sa amin

Sino ba talaga sya? At bakit ganoon nalang ang reaksyon ni Mark? Parang may iniiwasan sya, parang may takot sya, parang..

"Aw!" napasigaw naman ako ng kurutin ni Ken sa pisngi "Bakit mo ginawa yon?" hinawakan ko ang pisngi ko

"Nananaginip ka kasi ng gising.." sabay ngisi nito

"Kung ano ang mga nakita mo kanina.. Wag mo nalang isipin yun.. Wala tayong karapatang manghimasok sa buhay nila" sabay ang talikod nito sa akin "Hayaan mo nalang sila" at lakad nito palayo

"Pero.. hala, nasan na yun?" nawala na sya agad, ang bilis naman nya maglakad >__<

"Kyaaaaaaa! Kuya Ced!" napatingin naman ako sa likod at nakitang tumatakbo palapit si Synt..

"Bakit ka nandito? Pinuntahan mo ako no? Sabi ko na nga ba eh ^_^" sabay pulupot ng mga kamay nito sa braso ko

"Ah eh >__<" di ko alam sasabihin ko, pinipilit ko hilahin yung braso ko pero ang higpit talaga nya humawak >__< .. Oo nga pala, lalaki nga pala ako ngayon

"Bakit ka din pala nandito?" tanong ko habang nakatingin sa kanya

"Uhmm.. Hinahanap kasi namin yung magulang ng batang kasama nyo kuya eh.. " napatingin na lamang sya sa ibaba

"Pero hindi ko naman talaga ineexpect na sya yon eh T_T" parang natatarantang sagot nya sa akin

"Hindi ineexpect? Sino?" mas nagtataka kong tanong

"Yung Mama ni kuya Mark"

"Mama ni Mark, yung babaeng nasa harap namin kanina? Mama nya iyon? Paano mo nalaman?" gulat kong tanong.. pero ang mas pinagtataka ko, kung mama nga talaga sya ni Mark, bakit bigla na lang tumakbo si Mark?

Kung ako yon, tumakbo na ako, hindi para layuan sya, kundi para yakapin sya ng mahigpit..

"Nakita mo pala kuya.. Tara dun tayo sa kitchen!" sabay hatak nito sa akin

My Reachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon