Chapter 3
Dinner Date?
*Celine's POV*
Pumasok na ako sa may driver side, at si JM naman, pumasok na din at sinimulan nang paandarin ang sasakyan
"Parang nung mga dati lang no? Na itatakas kita para lang makalabas ng highly secured hotel mo kasama ang mga body guards mong armado" nakatingin lang sya ng diretso sa daanan habang nakangiti ng todo
"Hehe, yeah.. kung ano ano pa ngang mga pinaggagagawa mo para lang magawa yun eh, pero eto talaga yung kinabahan ako ng sobra.. Sa susunod wag mo nang gagawin yun ah! Napakataas kaya ng floor ng room ko"
"Di na talaga, kasi ibang style naman ng pangingidnap yung gagawin ko ^^" sabay tingin sa akin ng may malokong ngiti
"Baliw ka talaga... pero san mo ba ako dadalhin?"
"Secret... basta magantay ka nalang, medyo malapit na din tayo.."
*Wang wang wang wang*
"Itigil mo yang sasakyan mo!"
Sampung police mobile ang humaharurot kasunod namin, oh my >.<
"JM!! May mga pulis na sa likod.. Itigil mo na, baka kung anu pang mangyari!" niyugyog ko ang braso nya sa sobrang kaba
"Dont worry.. akong bahala, suotin mo nalang yung seat belt mo" kalmadong sagot ni JM
"Ha bakit?... AAAHHH!!" di ko pa nasusuot yung seat belt, bigla namang hinarurot ni JM yung kotse.. hala ayoko pang mamatay >.<
"Hawak ka lang ng maigi.. Haha mukhang magiging mas masaya to kesa sa inaasahan ko" nakangiting sagot ni JM habang mas lalong binibilisan ang pagpapatakbo
"Adik ka!! Itigil mo na please!" takot na takot kong sagot.. >.< parang maghihiwalay na ang katawan at kaluluwa ko sa sobrang bilis, ang dami din naming iniwasang mga sasakyan na konti na lang mabubungo na sa sobrang lapit
Pinabagal ni JM ang pagpapatakbo at iniatras sa isang madilim na bakanteng lote, pinatay nya din yung makina
"SHHH!! Wag kang maingay celine.."
At dumating ang mga police mobile, pero di nila kami napansin, hanggang sa nalampasan na kami
"See? Sabi ko sayo akong bahala eh" nakangiting sabi ulet ni JM
"Papatayin mo ba ako ha? ha?" biglang hampas ko sa braso nya ng sunod sunod.. halos atakihin na ko sa puso sa sobrang kaba
"Aray anu ba! Haha itigil mo na"
Inistart na nya ulet ang sasakyan at pinaandar muli
"Oh? So iuuwi mo na ako?"
"Hindi pa :P"
"Eh san ba kasi tayo pupunta"
"Sa lugar na hindi mo pa napupuntahan"
Mga 10 minutes pa ang nakalipas bago ihinto ni JM ang sasakyan, di ko na alam kung nasang part na to ng manila, ewan ko nga kung manila pa to eh
"Isuot mo.." sabay abot sa akin ng isang panyo
"Anung gagawin ko dyan?"
"Ipiring mo sa mga mata mo"
"Nako JM ah, ano nanaman yang mga pinaggagagawa mo, kinikilabutan ako sa mga yan ah!"
"Basta isuot mo nalang"
At ayun, ipiniring ko na yung panyo sa mga mata ko, dahan dahan naman nya akong inilabas sa kotse at naglakad..
"Pwede mo nang tanggalin yung piring mo celine"
At dahan dahan kong tinanggal ang panyo, medyo nasilaw pa ako sa umipisa, pero nung unti unti kong iminulat ang mga mata ko, saka ko nakita ang ganda ng lugar
Isang beach.. dont know kung saan, at malapit lang sa pangpang ang isang table for two, may mga candle lights, at flowers na nakakalat sa sahig..
"Sabi ko sayo magdidinner tayo eh.."
"Ang ganda.. pinaghandaan mo talaga ah?"
"Syempre naman!" sabay hawak nito sa kamay ko at pagdala sa may pangpang
"Have a seat.." Urong nito sa aking upuan, at umupo na din ako
Ang lamig ng hangin.. tanaw na tanaw ko ang kagandahan ng dagat.. wala pa din akong idea kung nasaan ako, white sand na aking inaapakan, at nagkalat na stars sa kalangitan.. ang ganda!
"Salamat ah"
"Ano ka ba, ako ngang dapat magpasalamat eh, kasi sumama ka sakin ^^"
Sabay ang biglang pagtugtog ng violin sa di kalayuan.. may mga tao palang nandun sa may gilid
"May I dance with you?" sabay alok ng kanyang kamay sa akin
"Sure ^^ di ka pa din talaga nagbabago JM" hawak sa kamay nito
"Di talaga ako magbabago.. ikaw lang naman ang nagbago eh"
"JM.."
"Haha anu ba yang pinagsasasabi ko XD Sumayaw na lang tayo okay? Kalimutan muna natin lahat lahat" sabay ang yakap nito sa akin habang patuloy na pagikot..
Naguiguilty pa din talaga ako.. sa.. lahat.. hayyy..
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...