Chapter 2 : Ang babaeng baliw sa 411

753 33 13
                                    

Chapter 2

Ang babaeng baliw sa 411

*Mark's POV*

Hayy.. ibang klaseng babae yun ah? May sayad na ata sa utak >.< Naku kung hindi lang talaga babae yun

Dumiretso na ako sa may pool para maglinis ulet.. Buti nalang hindi dun sa may beach ako naka toka, ang dami pa namang basura dun panigurado.. Resort kasi kaya masyadong malaki

"Pre! Kumusta araw mo ngayon?" nakita ko si ken na may tulak tulak na troler, may nagpapadeliver siguro sa taas ng food

"Eto, okay lang naman, muntik nga lang mabasag ulo ko"

"Huh? Bakit? May mga ungas nanaman ba sa taas? Ano upakan na natin!" sabay hubad nito sa jacket nya at kulang nalang sabihin nyang 'pigilan mo ko!'

"Haha hindi, ahm, kilala mo ba yung nagcheck in sa room 411?"

"Room 411 ba kamo?.. Hmmmm... Di ko sila kilala eh, pero nakita ko sila"

"Sila? Ibig sabihin di lang isa yung nandun?"

"Oo pre, dalawa ata sila, isang babae at isang lalake, mukhang mayaman eh, bat mo nga pala naitanong?"

"Ah wala wala, geh pre una na ko ah"

"Oh sige sige!" sabay alis nito pataas

Edi may kasama pala yung babaeng yun.. baka naman nagbugbugan sila dun sa room na yun? Pero wala namang galos yung babae ah? At teka, bakit ko nga ba iniisip yun? Aish wala wala

(Pool : 11:00 PM)

Favorite ko talagang maglinis sa spot na to, sa pool, medyo maaliwalas ang paligid, bawal na kasi ang magswimming pagpatak ng 10 PM eh, ang KJ ni supervisor eh..

[Ahm, wala pong namamagitan samin ni JM, magkaibigan lang po talaga kami.. at hindi po talaga totoo yung tungkol sa kasal]

Nangingiti pa din ako sa mga narinig ko sa kanya... ewan, ah basta

Hawak hawak yung pangkuha ng kalat sa pool, inenjoy ko ang paglilinis ng pool habang nangangarap, ang tahimik.. at ang saya.. 

Matapos linisin at ayusin ang mga bagay bagay, humiga na lang ako sa may gilid ng pool, habang nakatingala sa kalangitan..

Itinaas ko ang aking kanang kamay at itinuro ang pinaka maliwanag na bituin sa kalangitan

"Hawak na kita oh" sabay ang parang paghawak sa ere, muntanga lang

"Kelan kaya darating ang araw na makikita kita ng mas malapitan? Hindi yung sa tv lang?"

"Maranasan ko lang na kasama ka, at hindi dun sa JM na yun.. sus!"

Maya maya, nakarinig ako ng mga yabag ng paa sa di kalayuan, kaya bigla akong napaupo sa gilid ng pool

Isang babaeng umiiyak ang nakita kong tumatakbo palapit sa may pool

"Miss!! Bawal na po dito sa may pool sa oras na to, pasensya na" sigaw ko

Pero tuloy tuloy pa din sya sa pagtakbo hanggang sa 

*Blag*

Nahulog sya sa may pool... Hindi sya mukhang magswiswimming, di sya gumagalaw sa ilalim pagkatapos nyang tumalon, mukha syang... aist!!

Tumalon ako sa may pool at lumangoy palapit sa babaeng halos di na kumikibo at nanatiling nasa ilalim ng tubig

"Miss okay ka lang?" inihaon ko na sya sa may pool at inihiga sa sahig, pero wala akong napapansing pagbabago sa kanya, unconscious pa din

I'CCPR ko na ba to? Takte bat ba kasi wala nang lifeguard sa paligid?

Inihawi ko yung buhok na nakaharang sa kanyang mukha, at saka ko lang napansing parang nakita ko na sya

Dahan dahang inilapit ang mukha ko sa mukha nya, hanggang sa ilang inches na lang, aish.. no choice >.<

"Uooohhh!" sabay buga ng babae ng tubig sa aking mukha.. pesteng babaeng to, basang basa na yung mukha ko

*cough cough*

Hindi pa din ako makagalaw sa kinalulugaran ko, malapit pa din ang mukha ko sa kanya, hanggang sa dumilat muli ang mga mata nito

"AAAHHHH!!" bigla nya akong tinulak na nagpahulog sa akin sa pool

"Anu bang problema mo??" aist, kamalasan naman oh

"Problema? Ako? Eh anung ginagawa mo sa ibabaw ko? Manyak! Pervert!" nagsisigaw lang sya ng nagsisigaw habang nakatayo na sa gilid

"Pasalamat ka pa nga tinulungan kita, kundi baka pinaglalamayan ka na bukas" hayy, ganyan ba magpasalamat sa tao tong babaeng toh?

"Teka kilala kita ah?" nagtatakang tingin sa akin nung babae, at dun ko lang din naalala yung mukha nya

"Ikaw yung babaeng baliw sa 411?" pangbalik kong tanong sa kanya

"At sino namang baliw yang pinagsasabi mo?" nakapamewang nitong tanong

"Edi ikaw malamang? Alanganing yung puno na nasa likod mo?"

"Letche! Pwede ba wag mo kong susundan!"

"Aba't ako pa talag... ARAY!!" di na natapos yung sasabihin ko, batuhin ka ba naman ng sapatos na suot nya >.< galing mo tumarget ah? sakto sa ulo ko eh!

Pagkatapos kong makarecover sa sakit ng pagkakabato nya, nawala na lang sya ng parang bula.. lagot talaga sakin yun pag nagkita ulet kami.. ARRG!

My Reachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon