Chapter 5
Will you?? (Super Face Palm)
*Celine's POV*
Tuloy tuloy lang kami sa pagsasayaw at pag-ikot, na parang walang katapusan.. Wala ding kumikibo sa amin ni isa.. Medyo naiilang tuloy ako, parang ang hirap magsalita
"Ahm.. Celine.." medyo di makating sakin na pagsasalita ni JM
"Bakit JM?"
"I have something to say to you.." diretsong tingin nito sa akin na may seryosong tono
"A..ano yun?" bigla akong nakaramdam ng kaba.. ewan, di ko alam kung bakit, pero sa mga mata pa lang nya, parang napaka importante ng sasabihin nya
"Aish! Nevermind.. Nakalimutan ko na yung sasabihin ko XD haha"
"Baliw! Ano nga sabi yun?"
Humiwalay na sya ng pagkakakapit sa akin at dumistansya ng bahagya
"Pano ko ba sasabihin to?" nakita ko ang pamumula ng mukha nya habang nakayuko na parang batang nahihiya
Muli nyang ibinaling ang tingin sa akin.. isang tinging ibang iba..
"Simula pa lang nung mga bata pa tayo.. hanggang ngayon.. di pa din nagbabago yung nararamdaman ko sayo"
"At habang patagal ng patagal... ewan ko ba, pero habang tumatagal, tuwing kasama kita.. mas lalo lang akong nahuhulog sayo"
Di ko alam kung anong pakiramdam ang bumabalot sa dibdib ko ngayon, at parang may mga naglalarong butterflies in my stomach, at ayoko ng ganitong pakiramdam..
"Matagal ko nang inantay ang pagkakataong ito.. na makahanap ng right time, at the right place, na masabi sayo ito, alam mo ba kung ilang beses ko nang sinubukan to? Pero tuwing magkakaron ako ng lakas ng loob, bigla na lang may mangyayari na kung anung mga bagay na di ko inaasahan"
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang tinititigan sya, gusto kong magsalita pero bat parang mismong bibig ko ayaw akong sundin?
"Alam ko masyadong mabilis, ni hindi pa nga kita nililigawan eh, haha pero.. desidido na ko"
Lumapit sya ng kaunti at bahagyang lumuhod
"JM.. " yan lang ang nasabi ko, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko
May kung anong bagay syang kinuha sa kanyang bulsa at itinapat sa akin
"Will you.."
"Itigil ang kasal!!"
Isang malakas na boses ang nagpawindang sa akin, bumagsak naman sa pagkakaluhod si JM
"Chief! Wala po tayo sa kasalan, kidnapping po ito!"
"Ah eh.. Sensya nadala lang.. Ehem!! Walang kikilos ng masama!"
Dalawampung pulis ang pumalibot sa di kalayuan, kasama ang kanilang mga police mobiles at habang nakalabas ang mga baril nito na nakatutok lahat kay JM
"Aish!! Anu ba? Hanggang dito ba naman? Sakto din timing nyo ano? Aiiissshh!!" galit na galit na sigaw ni JM habang ginugulo ang kanyang buhok
"Uy! Bitiwan mo nga ako! Wala akong kinalaman dyan! Extra lang ako dito!" panay sigaw naman nung nagviolin kanina habang pinoposasan nung mga pulis
"CELINE!!" si manager.. habang tumatakbo palapit sa amin
"Ano nanaman ba to celine? Ano nalang ang sasabihin ng mga press pag nakita kayo dito? Ano nalang sasabihin ng iba kung may nangyari sa inyo? Haist! Lagot nanaman ako sa papa mo nyan!" yan nanaman si manager.. sasabunin, kukusutin, babanlawan at isasampay nanaman nyan ako mamaya >.<
Pero ewan.. bat parang natuwa pa din ako sa mga nangyari? Dahil ba hindi pa ako ganun kahanda sa mga bagay na yun?
"Bitawan nyo nga ako? Ano ba!" pagpupumiglas ni JM habang pilit pinoposasan ng mga pulis
"Ah eh.. kilala namin sya, bitawan nyo nalang" biglang lumapit si manager sa mga pulis, at inexplain lahat ng mga dapat iexplain
"Pasensya na po pasensya na talaga.." ilang beses na inuulit ni manager sa harap ng mga pulis
"Alam nyo bang napakalaking perwisyo yung ginawa nyo? Halos lahat ng mga nakadestinong pulis ngayong gabi rumisponde dito, tapos proposal lang pala, buti sana kung reception to"
"Pasensya na po talaga"
Napatingin naman ako kay JM, na nakaface palm pa din hanggang ngayon..
"JM.." nilapitan ko sya at kinalabit
"Haha, mukhang di pa talaga to ang tamang oras ah? Wala naman akong balat, pero bakit parang sa mga ganitong bagay, palagi nalang akong malas?"
Naguiguilty nanaman tuloy ako >.< hayy
"Tara na, umalis na tayo. Baka may mga reporters pang dumating, baka pagpyestahan pa kayong dalawa dito" nasa gilid na pala si manager.. hayy isa pa to, mukang marami rami din akong ipapaliwanag mamaya
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...