Chapter 13
Sign
*Mark's POV*
"Alam mo ba**"
"Papasakan ko na talaga ng bato yang bunganga mo pag di ka pa tumahimik =_=+"
Kanina pa ako nabibwisit sa lalaking to habang naglalakad pabalik ng hotel.. Aist kung hindi lang talaga madilim di ko na sana sya sinama, pero matatapos din ito, tama, malapit na rin naman ang hotel eh
"Wait!" bigla nyang hinawakan ang damit ko at hinila
"Wag mo nga akong mahawa-hawakan! Bakit ba?" inis kong tanong, kanina pa to ah? Itulak ko nalang kaya to sa bangin tapos saka ako tumakbo.. bwiset
"Tingnan mo yung nasa harap" sabay nguso nya sa harap
"Oh anong meron dyan?" tumingin na din ako sa harapan
"Diba yan yung puno ng balete kanina?" nagtatakang tanong nito, pero ang alam ko, isang puno ng balete lang ang meron sa lugar na ito, at nadaanan na namin to kanina ah
"Hindi yan yun.. Magkamukha lang sila, lumakad ka na nga lang" pesteng buhay to, bat parang umiikot lang kami?
"Ahh okay" sabay lakad nito ulit
(After 3 more years)
"Diba yan ulit yung puno ng balete kanina?" mas nagtatakang tanong nito
"Tumigil ka na nga sa pagtatanong! Marami lang talagang puno dito" imposible namang maligaw ako dito, halos araw araw dito ako dumadaan ah? May sa-maligno ata tong lalaking to ah? =_=
Naglakad lakad pa kami, at sa di kalayuan, natatanaw ko nanaman yung puno ng balete, takte mukhang pinaglalaruan na talaga kami ah?
"Teka anong ginagawa mo?"
Hinubad ko yung T-shirt ko at sinuot ulit ng pabaliktad, sabi kasi ni manang pag naliligaw ka daw, baliktarin mo lang yung damit mo para makabalik.. Pero habang hinuhubad ko kanina yung damit ko, bigla namang tumalikod yung lalaking yon at nagtakip ng mukha.. problema nun? =_=
"Ikaw naman" sabay hawak sa damit nito
"Ooopss! Anong gagawin mo? Teka lang!" sabay takip sa harap nito ng kanyang braso na paekis
"Baliktarin mo na din yang damit mo para makabalik na tayo" dami pang kaartihan eh
Pero imbis na maintindihan nya yung gusto kong mangyari, mas lalong lumaki ang mata nito at may mukhang parang natatakot
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...