Chapter 10 : Kajima

431 19 2
                                        

Chapter 10

Kajima

*Mark's POV*

"Time of death, 3:30 PM" sabay angat nito ng kanyang wrist watch

"Sorry sir, pero ginawa na po namin ang lahat"

*Wapak*

"Aray naman!" sabay himas sa bukol nito sa ulo, pinektusan ko

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan Synt? Nahimatay lang sya okay?" adik talaga, pinatay pa talaga

Wala pa ring malay tao si Trixia habang nakahiga sa may sofa.. Aist dapat kasi hindi ko na ito sinama eh

*Pak*

"Ouch"

"Adik, bat mo sinampal!"

"Ayaw magising eh, ubos na nga yung alcohol at ammonia dito sa kakapaamoy sa kanya, kaya yan, effective naman diba?"

Napansin ko namang medyo nagising naman na si Trixia, medyo iminulat na nya din ng dahan dahan ang kanyang mga mata

"Trixia!! Ayos ka lang ba?? May masakit ba sayo? Baliw ka talagang babae ka" hinawakanko sya sa magkabilang balikat nito, pero grabe, papatayin ata ako nito sa kaba >.<

"Where am I?"

"Ay nako kuya! Yan yung mga napapanood ko sa mga telenobela MayGad!! Alam ko na susunod dyan, 'Who are you' na yan >o<" gulat na gulat na sabi ni Synt habang nakaturo kay Trixia

"Who are you?" sambit ni Trixia habang umuupo ng dahan dahan sa sofa

"Sabi ko na nga ba eh! Diba Diba?! Amnesia na yan kuya promise!" biglang napatakip si Synt ng bibig sa sobrang gulat

"Amnesia? What the hell are you talking about?! Eh hindi naman talaga kita kilala!" takang takang tanong ni Trixia habang nakahawak sa ulo nito "Mark?"

"May masakit ba? Napilayan ka ba? Gusto mo ba ng tubig? Ano?" taranta kong tanong.. aist naman talaga oh

"No.. Im fine"

"Eh ano ba kasing ginagawa mo dun sa harap ng wedding shop kanina? Halos hingalin na ako sa paghahanap sayo ah!? Tapos nagcollapse ka pa ng wala sa oras!" medyo mataas na tono kong tanong, nag aalala pa rin ako hanggang ngayon

"Ah.. eh.. wala.. Saka siguro naoverfatigue lang ako kanina" pagdadahilan nito

"Sorry" yan lang ang nasabi ko, ewan, ang hirap magsorry sa harap nya, kahit alam ko namang ako ang may kasalanan kung bakit sya napagod ng sobra.. aist

"Its not your fault, actually, I enjoyed it ^_^" nakangiti nitong sagot

"Baliw" sabay gulo sa buhok nito "Mukha ba yang nageenjoy? Nahimatay ka na't lahat lahat tapos sasabihin mong nag enjoy ka? Anong tinira mo?" sabay ang malokong tingin

"Mwo!? (What!?)"

"Ehem ehem" may tao pala sa gilid, andyan pa pala si Synt

"Hamak din lamang na hindi mo kilala ang dyosang nasa harapan mo ngayong babae ka" isa pa tong baliw >__> napapaligiran na nila ako

"..Ay magpapakilala na ako sa iyo ng pormal" sabay ang pag-ikot ni Synt sa kanyang kinatatayuan at.. ayan na nga ba ang kinatatakutan ko eh

"Sa kapangyarihan ng liwanag ng araw (imagine anime trasformation here =_=).. Isang anghel na nagmula sa langit, nahulog sa lupa, Wapak!! Kita naman sa aking feslak, Ako ang nag-iisa, ang walang katulad, ako na lahat, ako na talaga, SYNT!" sabay ang muling mabilis na pag-ikot at pagpulupot nung tali sa sahig sa kanyang mga paa, ayun, lagapak sa sahig <__<

My Reachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon