Chapter 8
Flashbacks
"Let go of me!" sinubukan kong alisin ang pagkakakapit nya sa braso ko habang pilit na hinihila papasok ng kwarto
"Ano ba!!?" sabay tulak sa akin sa may kama
"Please stop this trixia, for how many times do i have to tell you na**"
"Na ano? Na ano JM? Na hindi mo na ako mahal ganun ba? Na sa dami dami ng babaeng gugustuhin mo, yung bestfriend ko pa? Maygad JM! Open your eyes! She doesnt love you like the way i do!"
"Trixia.."
"No.. you can't leave me like this.. Nakikita mo ba ito?" sabay taas ng isang contract
"Yeah right.. dyan ka naman magaling eh, you're using your power to get all what you want, pero ibahin mo ako Trixia, im not just a toy na kayang bilhin ng pera mo, and for that contract? Sa tingin mo mapipigilan ako ng engagement contract na yan?"
Bigla akong natigilan sa mga narinig ko.. I know masyado na kong desperada, kahit na nakikita kong nahihirapan na sya, pero di ko sya kayang pakawalan.. I'll do all things to get him, kahit na sa huli, ako din ang masasaktan
"Magpopropose na ako kay Celine mamaya"
Isang malaking tinik ang biglang tumusok sa dibdib ko ng sambitin nya ang mga yan.. Sobrang sakit.. na hindi ko na lamang namamalayang may tumutulong luha na sa aking kanang mata
"You cant do this JM, please.. nagmamakaawa ako" halos mapaluhod na ako sa sahig habang nakahawak sa kanyang mga kamay.. no.. i cant live without him
"Tigilan mo na ko Trixia.. Sorry, pero parang kapatid lang talaga ang turing ko sayo.."
At matapos ang mga salitang iyon, ay ang pagkawala ni JM sa loob ng kwarto
Iniwan akong nanatiling nakaluhod pa rin sa sahig at pilit na pinipigilan ang pag iyak, pero kahit pigilan ko, tuloy tuloy pa din sa pagpatak ang mga luha sa aking mga mata
Wala na sya..
Panalo ka nanaman Celine
Talo nanaman ako..
Ilang beses kong sinubukang maging ikaw Celine, pero ano bang nakita sayo ni JM at halos mabaliw na sya sayo? Nasa sayo na lahat! Hindi ka man lang nagtira
"No!!" ihinagis ko lahat ng aking makikita, hindi ko na kaya pang kimkimin pa ang sakit, pinilit kong kimkimin ang sakit tuwing nakikita ko silang dalawang magkasama
Ang hirap tiising ibang tao ang nasa isip nya pag magkasama kami.. ibang tao ang bukang bibig, habang heto ako, nakikinig lang.. kahit nasasaktan
Nakaupo sa may kama, habang yakap yakap ang aking wedding dress, bukas na sana magiging masaya ang buong buhay ko, kasama si JM, but now? wala na..
[Maiba naman tayo, dahil puro projects nalang, kumustahin naman natin ang lovelife ng isang Celine Villa, balita ko ikakasal ka na daw kay JM Santos?]
Inihagis ko ang remote sa screen ng tv na nagpabasag nito.. I can't take it any longer.. no more..
****
Naglalakad sa kawalan.. hindi ko alam kung san ako dadalhin ng aking mga paa.. kung wala si JM, mas gugustuhin ko pang mawala na din..
"Miss!! Bawal na po dito sa may pool sa oras na to, pasensya na"
*splash*
Tumitingkad sa pagkaputi ang wedding dress na suot ko ngayon.. di ako makapaniwalang ngayon na ang araw ng kasal namin ni JM, halos maluha ako sa harap ng pari sa sobrang saya
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...