Chapter 12
Reaching for the star II
(Hotel's Security Office)
"Sir!! Nahuli na namin sya!" pumasok ang tatlong guardya sa loob ng presinto habang buhat buhat ang isang lalaki/babaeng nakasuot ng pink high heels
"Ano ba! Bitawan nyo nga ako! Kanina ka pa kuya ah, pinagsasamantalahan nyo ang kahinaan ko! Somebody help me! RAPEEE!!!!" iniyugyog nito ang likod ng nakabuhat sa kanya at pinagsasabunutan ang mga kasama nito
"Tumigil ka nga! Ang galing mo ding magpanggap ano? At sa tingin mo ba maniniwala pa kami sa pagpapanggap mo?" sabi ng dalawang kasamang guards nito "Sir, anong gagawin namin dito?" kausap nila ang guard na nanghuli kanina sa labas ng restroom ng babae
"Ano bang pagpapanggap ang pinagsasabi nyo? Ha? Ha?!! Let me go!!"
"Sus, tapos ngayon magpapanggap ka pang bakla? Matapos mong bosohan yung restroom ng mga babae kanina? Wag ka nang magpalusot!"
"Over my beautiful sexy body! Me? Oh my gosh! Mandiri nga kayo! Ako mamboboso? Eh mas kaboso boso pa nga ang katawan ko!"
Humarap ang guard na naghuli kanina sa harap nilang apat, at may mukhang mapang-usisa habang tinitignan ang bawat anggulo ng mukha nung buhat buhat nung tatlo
"Mga gunggong! Hindi ko kayo pinagpapadala ng pwet ng arinola sa opisina ko! Hindi sya yon mga ungas! Nakajacket na itim at maputi ang balat ng sinasabi ko sa inyo, porket naka high heels hinuli nyo na? Mga tanga!"
"Ouch ah! Ang sakit naman! Nahiya naman ako sa mala buwan mong pagmumukhang parang isang libong meteors na ang bumagsak, oh tingnan mo nga, ang daming butas oh!"
"Aba't! Pigilan nyo ko, uupakan ko na talaga yang uling na yan!"
****
*Blag*
*Celine's POV*
Bigla na lang akong napabagsak sa sahig sa lakas ng pagkakabunggo.. Parang nabangga ako sa pader sa sobrang tigas
"At ang lakas talaga ng loob mong banggain ang boss namin ah? Boss ayos ka lang?"
Sampung mukhang di gagawa ng mabuting mga lalaki ang nasa harapan ko ngayon, yung isang pinaka malaking lalaki ata sa gitna yung nabangga ko
"Wala pang nakakagawang makadikit sa akin ng sino man ng buhay!" sabay ang pag-pagpag ng kanyang kamay sa harap nito na parang hindi man lang natinag "Alam mo bang ang huling nakahawak sa akin, pinaglalamayan na ngayon?"
Napa *Gulp* naman ako habang nakaupo pa din sa sahig.. Paano ko kaya sila tatakasan >_< Sa kadami dami ng mababangga ko, yung pang papatay sakin >_<
"Ba't ang sama mo makatingin?" sabi nung payat na lalaking kasama nila
"Eh ba't ang sama mo tignan?" pambalik kong tanong.. Naiinis na din talaga ako sa mga nangyayari, mas mabuti nang mamatay ng lumalaban! Fight Celine!!
"Aba't ang talas din ng dila mo ah? Kapitan yang lalaking yan" sabay ang paglapit ng dalawang malaking lalaki at paghawak sa magkabilang braso
"Bitawan nyo ako!! Ano ba!!" pero kahit gaanong lakas ang ibigay ko sa pagpalag, parang wala lang sa kanila.. Otoke T_T
"Siguro naman ngayon, magtatanda ka na?" sabay angat nito ng kanyang kamao na aktong handa nang manapak, napapikit na lang ako at sobrang nakagat ang labi
*Mark's POV*
Natumba ako sa mga paninda sa gilid ng biglang may bumangga sa akin.. takte, bat ba ang daming taong hindi tumitingin sa dinadaanan nila? =_=
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...