Chapter 14 : It's getting more scary

335 15 4
                                        

Chapter 14

It's getting more scary

*Celine's POV*

"Siguro naman alam mo na ang lugar na to? Di ko na kailangan pang iexplain sayo.. Manang kayo nang bahala dyan" medyo iritang sabi nito at sabay alis

"Iho, pagpasensyahan mo na si Mark ha.. Hindi naman talaga ganyan yan sa ibang tao eh, ewan ko ba kung bakit nagkakaganyan yan"

"Alam ko po kung bakit sya ganyan =_= Pasensya na po sa istorbong nagawa ko maam" sabay bow sa harap ni maam

"Haha masyado ka namang pormal, manang leya nalang itawag mo sa akin, pare-parehas lang naman tayong nagtatrabaho dito kaya wag ka nang mahiya" nakangiting sabi nito habang sinusuot ang apron nito na kulay asul

"Opo ^_^"

"Alam mo bang ikaw ang kauna unahang lalaking naging assistant cook sa hotel na ito? Kadalasan kasi puro babae ang assistant ko, at mukhang mga pasaway pag lalaki, pero sa tingin ko naman eh mukhang matino ka naman at magaling.. Ang sarap ng sandwich na nagawa mo, san mo natutunan yun?" tanong ni manang habang sinusuot ang kulay asul nyang apron

"Cook din po kasi si mama kaya sa kanya ko po natutunan lahat, mula sa pagluluto, pag ba-bake at presentation ^_^"

"Kaya naman pala eh, pero sana naman ikaw na ang huling assistant cook ko sa taong ito, hayyy naka ilang palit na din kasi eh.. Tikman mo nga kung tama na" sabay abot sa akin ng kutsara na may sabaw

"Hmmm tama lang po yung alat, pero medyo kulang pa po ata ng paminta" sabay abot sa kanya ng paminta

"Ang galing mo naman, pati sa pag tikim, pinapabilib mo ako ah?" sabay ang lagay ng pepper at paghalo muli "Hmmm ayan sumakto na"

"Hindi naman po masyado.. Ahm.. Bakit nyo po nasabi na sana ako na yung panghuli na cook? Marami na po bang naging assistant nyo ngayong taon?" takang tanong ko

"Ay oo iho, halos linggo linggo iba iba ang assistant ko"

Linggo linggo? Sa buong taon? Hindi ba napakarami na iyon? >_< Masyado atang mataas ang standards nila sa cook ah

"Haha parehas na parehas kayo ng reaksyon ng dating assistant ko kahapon"

Kahapon? O_O

"Manang kukunin ko na ulit yang lalaking yan.. Baka masermonan pa ako ni supervisor pag nakita nya akong hindi tino-tour yan =_="

"Oh sige, Ced pangalan mo hindi ba? Wag mo na muna masyadong isipin yung mga sinabi ko ah"

(Employee's Room)

*Haha parehas na parehas kayo ng reaksyon ng dating assistant ko kahapon*

Paulit ulit na pumapasok sa ulo ko ang mga salitang yan.. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaba.. Ano naman kayang meron sa position na ito at ganun nalang kabilis sila magpalit?

"Ano nga palang ginagawa natin dito?" nasa loob na kasi kami ulit ng kwarto kung saan kami natulog kagabi

"Guest ka ba? Tignan mo nga yang suot mo? Para kang taga-labas" sabay ang lapit nito sa may malaking cabinet sa gilid ng kama nito at labas ng damit

"Isuot mo ito, dapat naka-uniform ka palagi lalo na pag nasa harap ng mga guest kung ayaw mong mabungangaan ni Supervisor" sabay abot ng mga damit sa akin

"Salamat" at abot ko na din, isang polo na light blue, white t-shirt at white pants, parang yung suot din nya

"Hindi ko binigay yan para sayo, inutos lang yan ni supervisor" sabay ang iwas ng tingin nito na parang naiinis pa rin

My Reachable StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon