Chapter 4
Ang lumilipad na sapatos (Again)
*Mark's POV*
(12:40 AM)
Umahon na ako sa may pool.. bwiset talagang babae yun >.<
Dala dala ang sapatos na nagpalabas ng mga bukol sa ulo ko, ay hindi pala sapatos, sandals ata? may takong eh.. sa liit ng paa nya, syang bilis naman ng takbo
Iniayos ko na lahat ng mga dapat ayusin sa may pool, at nagumpisa nang maglakad papunta sa Employee's Room
Ito na yung maituturing kong pangalawang tahanan ko, sa loob ng dalawang taong din akong nagtatrabaho para sa.. wala? psss.. bakit ko nga ba iniisip ang mga walang kwentang bagay na yan?
Pinihit ko na yung door knob ng kwarto, pero takte.. nakalimutan nanaman siguro ni ken na iwang nakabukas tong kwarto >.< Pano na yan? Wala pa man din akong susing dala.. aisht!
Tama! Alam ko na kung san ako pupunta ^^
(Secret Base #1)
(12:51 AM)
"Wooooh!! Sarap!!" sabay ang pagtaas ng dalawang kamay habang nakadungaw sa isang napakataas na lugar
Mula dito, makikita mo na kung gaano kaganda ang buong resort, yung malawak na dagat at maliwanag na sinag ng buwan na nagrereflect dun sa tubig
Malakas at malamig na hanging babalot sa buong katawan.. at kahit mataas, rinig pa rin ang hampas ng alon
Welcome to my Secret Base number 1 ^^
Ang lugar kung saan ako pa lang ang nakakapunta.. Bawal kasi ang mga unauthorized person dito
"Hayyy" sabay ang higa sa sahig.. dito na rin siguro ako magpapalipas ng gabi
Ang dami pa ring bituin sa kalangitan.. Ah tama! Magaabang na lang ako ng meteor shower, kadalasang nagpapakita ang mga yon tuwing madaling araw.. Marami raming wish din yun!!
At sa pagaabang ng mga nagliliparang bituin, lumilipad na sapatos ang tumambad at tumama sa aking pagmumukha
"Aray!! Aisht Sino ba yan?" bigla akong napaupo habang hinihimas himas ang noo ko.. kinuha ko din yung sapatos na lumipad..
Wait.. parang pamilyar tong sapatos na to ah?
Kinuha ko din yung sapatos na nasa gilid ko, yung sapatos na binato sa akin nung bwisit na babaeng yun.. at halos magkaparehas! Wag mong sabihing...
Ibinaling ko ang tingin ko kung san nanggaling yung sapatos, at di na nga ako nagkamali
"Hoy! May galit ka ba talaga saking babae ka ha?"
Wala parin syang kibo sa isang sulok, nakayakap lamang sya sa kanyang mga binti habang nakaupo.. rinig ko din ang mahina nitong iyak
"Galit? Oo galit ako sa inyong mga walang kwentang mga lalaki kayo! Mga Paasa!" halos mapatalon naman ako sa sigaw ng babaeng to
"Pwede ba miss? Bumaba na kayo, bawak kayo sa lugar na to eh?" unti unti akong lumapit sa kanya, amoy ko din ang alak sa buong paligid
"Ano bang meron sya na wala *huk* ako? Maganda naman ako ah? Sexy! Sikat! At higit sa lahat, mahal kita! Mahal na mahal kitang hinayupak ka! Pero ano *huk* ako ngayon? Wala! Wasak na wasak!" humahagulgol pa rin sya ng iyak habang isinasambit ang mga yan.. Nako mukhang broken hearted pala tong isang to
Tumabi na lang ako sa kanya, alanganing iwan ko sya ng ganyan? Baka tumalon na lang yan dito, responsibilidad ko sya ngayon.. patay tayo kay supervisor kung nagkataon >.<
"At ikaw *huk* " bigla nitong tingin sa akin
"Oh anong ako?"
"Iiwan mo na rin ba ako katulad ng ginawa nya sakin? Ipagpapalit mo din ba ako sa malanding Celine na yan ha?" Seryosong tingin nito sakin kahit na pagewang gewang na sya.. pero 'Celine' nga ba ang nasabi nya? Mukhang di magagawa ni Celine my loves yun! Baka naman kapangalan lang
Pero anong sasabihin ko dito? Baka pag may nasabi akong masama baka magpakamatay na to ng wala sa oras.. Aishht bahala na nga si catwoman!
"Wag kang mag alala, di kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo" ano nanaman ba yang pinagsasasabi ko >.<
"Talaga?" sabay lapat nito ng kanyang mga kamay sa aking pisngi
"Hoy! Anong ginagawa mo?! Oy itigil mo nga yan!!" Inalis ko yung mga kamay nya at itinulak, pero palapit ng palapit parin ang mukha nya sa mukha ko
"I love.."
"Uoooh"
F*ck! What the hell >.<
Sinukahan nya ko.. at saktong sa pagmumukha ko pa >.<
![](https://img.wattpad.com/cover/2409538-288-k952493.jpg)
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...