Chapter 15
Room of Integrity
*Celine's POV*
(Outside the Dinning Area : 9:00 PM)
Nasaan na ba yung basurahan dito?
Bitbit bitbit ang dalawang malaking garbage bag galing kitchen, hayy ang laki laki kasi ng lugar eh, hanggang ngayon hindi ko pa din mahanap ang basurahan >_<
"Psst"
Bigla akong napatingin sa likod kung saan nanggaling yung sitsit, pero wala namang tao, ah baka guni guni ko lang
"May kailangan ka?"
Pagkabalik ko ng tingin sa harap, isang lalaki ang bigla na lang sumulpot sa harapan ko
"Ah eh.. pwedeng magtanong kung nasaan yung basurahan dito?"
"Doon" tinuro nya ang isang pintuan sa may gilid, medyo sira na yung pinto, wala na nga din yung doorknob "Dyan tinatambak ang mga basura dito, iwan mo nalang sa loob"
"Salamat" at pagkatapos non ay lumapit na din ako sa pintuan na sinabi nya, pero yung lalaking iyon, hindi umalis sa pwesto nya
Pagkapasok sa loob, ang daming sapot >_< tapos nagkalat din ang maraming papel at kahoy sa sahig, para bang abandonadong silid ito, inilapag ko na yung mga garbage bags sa lapag
*Blag*
Umalingawngaw ang isang napakalakas na kalabog mula sa likuran, biglang sumara ang pintuan
"Ahhh!! Buksan nyo yung pinto!" hinampas hampas ko yung pintuan gamit ang aking mga kamay at pilit na tinulak, pero parang may nakaharang sa kabilang side >_< Otoke
Madilim na sa loob, pero may isang bagay akong nakikita sa sahig na nagliliwanag, nilapitan ko iyon at tinanggal ang kahoy na nakadagan dito.. Flashlight!!
No choice, kung hindi ako makakadaan sa pinto na ito, kailangan ko makahanap ng ibang way palabas, pero makakalabas pa kaya ako dito? >_<
Itinapat ko ang flashlight sa harap para makita ang daan, may mga nakausling kahoy sa kisame, maraming kahon sa gilid, at marami pa ding sapot >_<
Mukha syang bodega, ang dami talagang box sa may gilid, tuloy tuloy lang ako sa paglalakad, pero parang napaka habang corridor ang nilalakaran ko, iisa lang ang direksyon
Nasaan na ba kasi ang labasan dito >_< Parang hindi naman nagbabago ang dinadaanan ko eh
*Shhhh Shhh*
"Ma-ay ta-o ba d-yan?" Itinapat ko agad ang flashlight kung saan nanggagaling yung tunog, pero wala namang tao.. kaya mas lalo ko nalang binilisan ang lakad ko na parang tumatakbo, ano nanaman kaya yan?
Mas lalo pang dumagdag sa takot na nararamdaman ko ngayon ang mga nakasabit sa dingding ng corridor, mga picture frames ng mga di ko kilalang tao, parang mga mayordomo at mayordoma na may seryosong mukha, nakasuot ng eleganteng damit ng mga sinaunang panahon, para bang mga kastila
Tuloy tuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa napahinto ako sa isang pamilyar na picture frame
"Kilala ko ito ah?" isang picture ng isang matandang lalaki, at hindi nga ako nagkamali sa nakita ko, sya si tito Miguel.. sya yung papa ni Trixia.. Pero bakit naman napunta ang picture nya sa lugar na ito? Mukhang bago pa yung frame at walang sira, pero may mga alikabok na sa gilid nito
*krrrrrriiik*
"Sino yan?!!" may isang malakas nanaman na tunog sa di kalayuan, parang paa na nakaapak ng marupok na kahoy, pero wala pa din akong naaninag sa side na iyon
BINABASA MO ANG
My Reachable Star
RomanceMeet Mark, isang ordinaryong bell boy na may lihim na pag hanga sa isang tv star. Meet Celine, isang artista, mayaman, ngunit nagpanggap bilang isang lalaki upang hanapin ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanyang buhay. Paano kung sa di in...
