KABANATA LXVII

25.4K 418 20
                                    

KABANATA LXVII: Mother's Instinct

How do you heal a broken heart?

Cliché. Yes, but I feel like asking that question will give me an instant answer.

Hindi ko na alam kung ilang beses kong tinanung sa sarili ko kung paano ako mabubuo ulit. Paano ko ba sisimulan ulit yung buhay ko? Paano ko gagawing normal muli ang lahat?

Paano nga ba? Kasi magpahanggang ngayon, wala akong kasagutan sa libo-libong tanung na gumugulo sa utak ko.

Para kong isang bote na dating punong-puno na laman pero ngayon ay ubos na ubos na at basag pa. Hindi ko alam pano ko pupulutin ang bawat piraso nang nagkalasog-lasog kong puso. Dahil sa t'wing gagawin ko yun, nasusugutan ako at bumubuka ulit yung sakit at hapdi na nasa dibdib ko.

Hindi lang puso ko ang nasira, kundi pati ang tingin ko sa aking sarili. Pakiramdam ko ay isa akong mababang babae na ginamit at walang pakundagang sinaktan ng lalaking labis kong minahal.

Ken made me feel that I'm a worthless woman and I don't deserve any of his respect. I actually believed his love but damn after everything, sakanya na ang pesteng pagmamahal na yan. I don't need it.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Tinulungan ako ni Ate sa pag-aayos ng mga papeles. Carlos contacted his friends to assists us in everything, from the visa to the plane tickets—everything is being taken care of. Halos hindi ko na kinailangan kumilos dahil sila ng mag-asawa ang gumawa n'un.

Hindi na nagtanong si Ate kung bakit biglaan ang pasya kong sumunod sa Amerika. Pero alam kong sa oras na dumating kami roon ay kakailanganin ko rin na ipaliwanag sakanya ang lahat.

Isang linggo mula nang pag-uusap namin ay binalita niya sakin hindi pa maaring ilipad agad ang mga bata. Nagkakaproblema umano sa immigration. Naisip ko agad ang posibilidad na hinaharang na ni Ken ang pag-alis namin.

"You're on the watch list, Mandy. And I want you to tell me what's happening? That's an order for godsake!" Sigaw niya mula sa kabilang linya.

Nasapo ko ang aking noo sa sobrang stress dala ng sunod-sunod na problema. Can't I survive a day without stress and problems?  

"Hello, Amanda? Are you still there?" I was taken out of my frustrations when she spoke.

I sighed and relaxed my tensed body.

"I'm still here. I really don't know what's happening, Ate. But I'll see to it that we'll make there on time. Pakisabi kay Carlos, pasensya na sa abala. I really am sorry for all the troubles."

Marami pa siyang nilitanya sakin pero ang utak ko ay lumilipad na kung saan.

Pagkababa niya ng telepono ay napaupo na lang ako sa panghihina. I felt so helpless. Buong akala ko'y anumang oras makakaalis na kami ng bansa, pero sadyang gumagawa siya ng paraan para hindi mangyari 'yun.

He came from a well-off family and the Montemayor's are known for being powerful. Hindi imposibleng gamitin niya ang koneksyon para mapigilan kami. Kaya labag man sa kalooban kong makipagkita muli sakanya, wala akong ibang paraan kundi ang harapin mismo ang lalaking dahilan nang pagkakalugmok ko.

I still refuse to entertain the idea of meeting Ken again. What for? We're over. He broke my heart—no scratch that, he broke my trust above everything else. He devoured the slightest faith I have for his kin.

And now what? He's pushing all the buttons to see me again? What a crappy man.

If he's going to use his connections to stop us, then I will be left with no other choice but to confront that ingrate man.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon