KABANATA XLI: Unison
I pursed my lips in a thin line. I'm feeling anxious about his presence. All of a sudden being with him seems a very awkward thing to do.
"Magsalita ka, anong problema?" sambit niya habang nakahalukipkip sa harapan ko.
Kinaladkad niya ko papasok ng kotse niya kanina at hindi ko na nagawang magprotesta. Biglang umpekto ang alak na nainom ko at parang naubos ang katinuan na meron ako sa ulo.
Nag-iwas ako ng tingin, "When I say meeting your parents is a good thing I'm actually being sick, aren't I?" tanong niya.
Hindi pa rin ako kumibo.
Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng kakalmahan sa mga oras na to. Nakikita ko sa mga mata niya na gustong-gusto na niya kong sigawan dahil sa pananahimik ko pero pilit niya itong pinipigilan.
Mas gugustuhin kong sumabog na siya. Mapagod na siya sakin. Sukuan na niya ko para matapos na ang paghihirap niya. Para hindi ko na siya nakikitang nasasaktan ng dahil sakin. Dahil sa mga maling desisyon na ginagawa ko.
Dahil sa gulo na dala ng pamilya ko. Hindi ako nararapat para kay Ken, masyadong ng maraming masasaktan para isali ko pa siya. Hayaan ko ng ako na lang ang sumalo ng lahat ng sakit na maidadala ng pagsubok na ito.
"One week woman. You've been AWOL for one week without a single word uttered. I'm your boss but I'm also your boyfriend. I deserve every bit of truth from you."
Yes, Ken! You deserve every bit of truth but I can't give it to you.
Ginulo niya ang buhok niya at tinalikuran ako. Ngayon ay nasa harap ng siya ng overlooking window na kitang-kita ang kabuuan ng syudad. Those pretty night lights.
"Talaga bang ganito na lang lagi? Lagi na lang bang ako ang mag-aalala sayo?" may hinanakit na ang boses niya.
That's right Ken. Hate and loathe me but please delay it just for the night we'll be normal couple.
I sighed and calmed my nerves. This is not the most ideal thing to do pero ito ang sinisigaw ng puso at utak ko.
Tumayo ako kahit na magpahanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Kinulbit ko mula sa aking leeg ang kwintas na ibinagay niya sakin ng minsang manuod kami. Sa lahat ng binigay niya sakin ito ang pinakagusto ko dahil ito yung pinanghahawakan ko sa relasyon namin.
Isang simpleng kwintas na may pendant na angel's wings. Kinuyom ko sa kamay ko ang kwintas at humugot ng malalim na hininga.
Naglakad ako palapit sakanya. Nakatalikod siya at sunod sunod ang murang namumutawi sa bibig niya. "Ken" I uttered. I'm proud hindi ako pumiyok.
Agad siyang lumingon at sumandal. Rumehistro ang pagtataka sa mukha niya.
I will surely miss his handsome face. His prominent jawline. Those death defying eyes. The kind of smirk he musters using those lips. I will surely miss everything about him.
"Don't give me that look, Mandy." Sabi niya ng tuluyan akong makalapit sa tabi niya.
Nakasandal siya sa balustre ng bintana habang mariin akong pinagmamasdan. I am so lucky to have him. The blissful relationship that we had is one of the best. Though I have nothing to compare of, basta para sakin kung anuman ang nagkaroon kami ay pinagpapasalamat ko na.
Who would have thought na ang isang gabi ng pagiging sawi ko ay makikilala ko pala ang lalaking nanaisin kong makasama habang buhay. Ang lalaking nagparamdam sakin kung paano mahalin ng hindi nakikiusap at nag-aabang.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.