KABANATA XXIV: Nope, I'm just inlove
“Sh!t Sh!t Sh!t” napahagulgol ako lalo sa paulit-ulit na pagmumura ni Zeke. I’ve been crying my heart out since we came here. Magmula ng dumating kami dito wala na kong nagawa kundi ang umiyak. Punong-puno ng takot ang dibdib ko. Fear of losing him dreaded me the most.
I felt a hand on my shoulder, “Mandy tahan na.” all throughout the time Raf’s beside me. Trying to comfort and stop me from crying. It’s been 3 hours since they brought him inside the operating room. Ni ha ni ho wala pang sinasabi ang mga doctor at habang tumatagal ay lalo lang nadadagdagan ang kaba sa aking dibdib.
When I got there nakahandusay na si Ken sa sahig at naliligo sa sariling dugo. I tried to wake him up but to no avail. Hanggang sa dumating na ang mga pinsan niya at tumawag ng tulong. I didn’t cry the whole trip to the hospital. Pero ng bitawan ko ang kamay niya doon nag sink in ang lahat.
Paano kung mamatay siya? Paano kung hindi niya kayanin? I’ve seen too much blood gushing out of his body. Sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung may natira pa sa katawan niya.
“R-Raf si Ken. Hindi naman siya mamatay diba? Diba kaya niya yun?” I asked him for the nth time. Gusto ko ng assurance na okay siyang lalabas doon. Gusto ko paglabas niya dun siya pa rin ang makulit at pervert ng Kenneth ko.
“He’s a fighter.” I nodded and continue my prayers.
“I’ll beat the hell out of that as*hole.” Galit na wika ni Zeke. Kanina pa siya nanggigil sa mga gumawa noon kay Ken. I’ve been feeling the same but it’s not my priority right now.
“Shut up Ezekiel. It’s not helping.” Impit na sigaw ni Rafael.
Dumaan pa ang ilang oras na punong-puno ng paghihintay at pag-aalala. Nakarating na rin sa mga magulang ni Ken ang balita pero kasalukuyan silang nasa Europe at hindi makakauwi agad. Si Ate Angel naman ay dumating na rin pero kagad ding umuwi dahil sa naiwan niya si Tofer na mag-isa sa kwarto.
It’s agonizing to wait but everything will be worth it pag lumabas na siya doon ng buhay at walang problema.
Kaming tatlo pa rin ang naiwan dito pero si Zeke ay bumaba para bumili ng kape. Si Rafael ay nakatayo sa gilid ng operating room at nakatingin sa kawalan.
“Kayo ba ang mga kamag-anak ng pasyente?” sabay kaming napalingon ni Rafael at nagmamadaling lumapit sa doctor na kalalabas lang sa kwarto.
“A-ako po girlfriend niya.”
“I’m his cousin. Kamusta si Ken?”
Bumuntong hininga ang doctor. “He’s stable but not out of danger.” Kumunot ang noo namin sa sinabi ng doctor.
“Anong ibig niyong sabihin Doc?” tanong ko.
“Tinamaan ang appendix ng pasyente kaya kinailangan ng emergency operation para tanggalin yun. But right now he’s doing well, his vital signs are alright. Pero hindi dapat maging kampante. Masyadong malalim ang natamong niyang sugat sa tiyan at tagiliran. It may cause some complications but we’re doing our best. You can wait in the assigned room. Ililipat na siya dun maya-maya.”
I wanted to sigh a relief but I can’t. Nasa panganib parin siya at anumang oras ay pwede siyang mawala. I shivered by the thought.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.