KABANATA XXXVIII: Twisted
"Baby?" napasinghap ako nang marinig ang boses ni Ken. Biglang dumoble ang kaba na nararamdaman ko kanina. Talaga bang ganitong paraan sila magkakakilala? Sh!t hindi ako handa.
Hindi ako makagalw sa kinatatayuan ko. Nabato-balani ako sa harap ni Jasper, habang sa di kalayuan ay naririnig ko ang papalapit na yabag ni Ken.
"Mandy?" tawag niya ulit sakin. This time nagawa ko na siyang lingunin at iharap sakanya ang mukha kong nagkukubli ng takot na nararamdaman ko.
"Ken" I said nervously.
Tuluyan na siyang nakalapit sakin at mabilis pa sa ala-kwatrong hinapit niya ang beywang ko papunta sa katawan niya. Parang gusto kong atakihin sa puso sa mga oras na to. Kakaibang ang bilis ng tibok ng puso ko at alam kong anumang oras ay magkakabukingan na.
Gusto ko ng maglaho!
"May problema ba?" hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya dahil nakatuon ang mga mata niya sa lalaking kaharap namin. Nakangiting-aso si Jasper at animo'y natutuwa siyang makita na kabahan ako at mataranta.
Hindi man ako sigurado ay sumagot ako. "I'm all good Ken. Kinakausap ko lang siya." Sabi ko kahit na sa kaloob-looban ko ay nilalamon na ako ng kaba.
Alam kong naka-aircon ang buong mall, maging ang tindahang ito, pero bakit pakiramdam ko ay tumatagaktak ang pawis sa buong katawan ko.
Humawak ako ng maigi sa braso niya. Sana lang hindi na siya maghinala pa.
Kapagkuwa'y tiningnan ako ni Ken na animo'y may hinihintay siyang importanteng salita mula sakin. Kumunot ang noo ko. "Hindi mo ba ko ipapakilala sa kasama mo?" napangiwi ako sa sinabi niya.
Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang totoo. Pero higit kailanman ay hindi ko gugustuhing magsinungaling sakanya dahil alam ko ang tiwala na binibigay niya sakin at ayaw kong masira lamang yun.
Bandang huli ay napagdesisyunan kong itago ang lahat kay Ken. Sabi nga nila, what you don't know, won't harm you. Fingers crossed n asana hindi magback-fire ito sakin.
"Ken meet Jasper, kaibigan ni Kuya back in the days." Sadyang binigyan ko ng diin ang mga salitang yun. Simula ng maisip niya ang kalokohang pagpapakasal sakin ay tinuring ko na siyang kaaway at hindi kaibigan.
"Kenneth pare, Kenneth Montemayor." Naglahad siya ng kamay.
Pinasadahan ko ng tingin ang kamay ni Ken. Nagdadasal ako na sana ay hindi na lang niya ginawa yun dahil hindi karapat-dapat si Jasper pero anong magagawa ko. Hwag sana siyang bastusin nito. Ayokong makabuo ng katiting na hinala si Ken sa utak niya.
Imbes na pagtuunan ng pansin ang nakalahad na kamay sa harap niya ay sinulyapan ako ni Jasper. Binigyan niya ko ng makahulugang tingin. Pinalakihan ko siya ng mata. "You're too cute when nervous." Nabigla ako sa komento niya.
Hindi nakaligtas ang bagay na yun sa mapanuring mata ni Ken. Kaya naman dinig na dinig ko ang pagtiim ng bagang niya. Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Alam kong imposible pero ang biglaang pagtahimik ng paligid ay naging dahilan para madinig ko yun.
Masama ang titig ni Ken kay Jasper. Madilim at nakakatakot. Hindi, higit pa sa nakaktakot ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Binawi na niya ang nakalahad niyang kamay at ikinuyom yun sa gilid. Nagpipigil siya sa mga oras na ito, isang bagay na hinihiling ko na hwag maubos.
"Jasper." I warned him.
"Easy my lady." Aniya.
Nanigas ang mga bisig ni Ken dala na pagkakakuyom ng kamao niya. Indikasyon na hindi niya na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ni Jasper.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
Beletrie{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.