KABANATA LXII

25.6K 404 9
                                    

KABANATA LXII: All signs point to nowhere.

1 month later...

"Princess wala pa kayong balak magpakasal?" tanong ni Kuya nang minsan magkita kami sa bahay.

"Don't tell me Ken's not planning on anything?" nakakunot ang noo niya at pinameywangan ako.

"Ano ka ba, Kuya? Darating rin kami diyan. Don't rush us into things and besides I'm busy with my pregnancy. Hindi ko priority yan." I reasoned out.

3 months later...

 "Ang cute cute naman ng mga apo ko!" Ken's mom beamed at our twins. Kararating lang nila at sakto naman na dinala ng mga nurse ang kambal ko sa kwarto.

They are Calen Andrew and Caleb Alexander. My two little angels has finally come out of this world. Hindi biro ang pinagdaanan kong labor pains bago sila lumabas. Imagine 6 hours of on and off excruciating pains. Talagang nilubos nila ang lahat ng sakit na pwede kong maramdaman mailabas lang sila.

Ken's beside me and he's tired as well. Paanong hindi mapapagod? Nakikipush pa siya sakin habang nasa delivery room. Biniro nga siya ng isang doctor dahil daig pa raw ng pawis ni Ken  ang pawis ko. He's soaking wet in his own perspiration.

"So when's the wedding?" Tita joked at us.

"We'll wait, Ma. Kapapanganak lang ni Mandy at hindi pa yung ang priority naming ngayon."

I hesistantly acceded to his statement. "Oo nga po Tita. H'wag po tayong magmadali."

Tita jokingly rolled her eyes at us."Bahala nga kayong mga bata kayo. Basta ako itong mga apo ko ang cute cute. Iuwi niyo sila sa bahay minsan ha?"

 

5 months later

"Are you getting married anytime soon?" I almost rolled out my eyes on Dad. Nakukulili na ang utak ko sa mga tanong nila tungkol sa pagpapakasal naming. Mula sa mga magulang ko hanggang sa mga kaibigan ay wala nang ginawa kundi usisain ang tungkol sa kasal na yan.

"Wala bang Hi muna, Dad?" I joked as I kissed his cheeks.

He chuckled. "Oh Hi! So when's the wedding? It's been 3 months since you gave birth, sweety and you haven't planned out on anything?"

Yumakap ako sa braso niya. "Let's give it a rest, Dad. Ken and I were both busy hindi naming naaasikaso." I lied. Wala nga kaming pinagkakaabalahan ni Ken ngayon bukod sa kambal. He took an indefinite leave of absence at work sabi niya maiintindihan yun ni Troy so I let him be so the whole duration of time magkakasama kaming apat saan man kami magpunta.

"Busy! Busy! Busy!" he mocked. "Make sure that's not an excuse for Ken, Mandy. I'm warning the both of you settle the wedding as soon as possible or else I'll make it hard for you two!"

 

8 months later....

But several months later, no proposal has been made and my expectations are beginning to tear off. Nawala na ko ng gana sa usapang kasal. Napagod na kong gumawa ng mga excuses sa kanila. I just let it be. Bahala na si batman! Kung papakasalan eh de papakasalan.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon