KABANATA XXXII: Helpless
Days have passed. Sa condo unit muna ko ni Ken tumira dahil ayaw daw niyang ibang tao ang mag-aalaga sakin. I've been sick for 2 more days after our reconciliation and I must say those are the best days of my life.
I felt someone really care about me.
Ken would stay up all night until I fell asleep and be there to take care for me the next day. He's trying his best to cook some decent food for us but we always end up burning the kitchen. And that's when take-out food came into the picture.
We're really miserable in the kitchen. One time he jokingly said, we badly need some cooking lessons to survive the cruelty of being invalid in the kitchen. Pareho pa naman kaming mahilig kumain.
Aminado naman akong I'm not the best cook but he said na yung adobo recipe na ginawa ko is one of the best. At least I've done something that made him happy.
"Let's go on a date." Mahinahon kong sabi. Kanina pa kami nanunuod ng movies and I can feel my eyes ogling out sa sobrang pagkababad namin sa TV. I'm feeling so much better and I want to spend the rest of the day outside his turf.
Somewhere where we could do something memorable and exciting. "Saan mo ba gustong pumunta? Can't we just stay here? Kagagaling mo lang mabibinat ka niyan."
"Sa mall lang naman. I smell like cob webs na Ken, ilang araw na tayong nakakulong dito. I miss the sunshine and the polluted air of the Metro." I let out a small laugh. I know that he knows what I'm talking about.
Ikaw ba naman ang makulong sa condo ng ilang araw, buti kung hindi ka mainip.
"Wala kang damit dito pano yun?" I smiled. Hindi niya direktang sinabi pero pumapayag na siya sa lagay na yan. But he's right. Wala akong damit dito, I mean walang panglakad na damit. Mga pambahay lang kasi ang dinala ni Matteo nung tinawagan ko siya.
"May damit si Angel diyan, if you want to try yun na lang isuot mo." I giggled. May naisip akong mas magandang idea na isuot.
Tumayo ako at mabilis na tinungo ang closet niya. I rummaged through his signature clothes. Andami talagang damit nung lalaking yun. Para siyang babae. Clothes of all variety.
"Anong ginagawa mo diyan? Wala kang makikitang damit ng babae diyan Mandy. I don't take souvenirs from my girls." I ignored his naughty laugh. Pinagseselos na naman niya ko sa mga naging babae niya.
"Aha eto pwede na." I took out one of his old shirts. Simpleng V-neck shirt na medyo may kaliitan na at sigurado kong hindi magmumukhang duster sakin. Iwinagayway ko yun sa harap niya. Nakakatawa ang kunot na kunot na noo niya.
"I'll wear your shirt na lang and pwede na tong maong shorts ko. I just want to go out Ken. I don't need to wear extravagant dresses." Saglit siyang tumitig sakin at dun sa tshirt na hawak-hawak ko.
Biglang may nagform na smile sa kabi niya. "You'll be d-amn sexy in my shirt."
"I know right." And we both laughed.
Sa buong stay ko sa pad niya ay tuwang-tuwa ito pag nakikitang suot ko ang tshirt niya. It's not that something happened between the two of us. Hello halos magdeliryo ko sa lagnat tapos may mangyayari pa. Tsk I sound defensive but it's true.
Ken didn't take advantage of me. Inalagaan pa nga niya ko ng mabuti at alam ko kung gaanong pagpipigil ang ginawa niya. I'm one hell of a clingy woman when sick. Para kong unggoy na nakalambitin sakanya palagi.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
Ficción General{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.