KABANATA XXIII

31.4K 500 37
                                    

Kabanata XXIII: Grounded

I'm doomed. I can't believe sa tanda kong to ay nagawa ni Kuya na ikulong ako sa sarili kong condo. Grounded ako yun ang sabi ni Kuya. Muntik na kong matawa sa sinabi niya dahil sa loob ng 25 years ko sa mundo ngayon lang ako nakatikim na ikulong sa bahay. I always have him to escape during the time our parent's would reprimand me.

Pero iba na ngayon dahil siya na mismo ang nagkulong sakin. I can't understand why he has to do this to me. Kung anumang issue ang mayroon sila ng kapatid ni Ken, we should stay out of it. Ni wala kaming kaalam-alam sa nangyayari pero isa kami sa mga apektadong tao sa relasyon nila.

Nagkakasya na lang kami ni Ken sa paminsan-minsang pagtetext ko sakanya na madalas ay sa twing wala lang si Kuya sa bahay. Gustuhin man niyang pumunta dito ay pinipigilan ko siya. Ayaw kong magkaharap silang muli ni Kuya at magkasakitan.

Niyakap ko ng mahigpit si Kenny the stuff toy. "I miss you Ken." At muli akong napasubsob sa manika. Sana pala ay hindi na lang kami bumalik dito sa Maynila. Buti pa nung nasa Cebu kami, we had the best days of our relationship. Kahit napuno iyun ng trabaho hindi ko maitatangging masaya kami.

Suminghap ako at napagpasyahang tumayo. I can do better than this. I should not let Kuya rule my life. I can beg. Binuksan ko ang pintuan at nakita si Kuya habang nakaupo sa sofa. The television is on pero yung tingin niya rito ay parang tagus-tagusan.

Lakas loob akong lumapit at tumayo sa gilid niya, "Kuya can we talk?" tanong ko.

Tumikhim siya bago pumihit sa gawi ko, "If this is about the Monte mayor's we have nothing to talk about." Aniya at bumalik sa pinapanuod. He's so cold. Hindi ako sanay ng ganito kalamig ang pakitungo sakin ni Kuya.

I'm still wearing my PJs and I know I look like hell but we need to talk over this. Hindi ko na kaya. I sobbed hard. "Kuya paano naman kami ni Ken?" puno ng desperasyon ang boses ko.

I met his scary gaze, "Wala ng kayo Mandy. You ended your ties with him that day on the park."

"NO! We just started Kuya. Ilang araw palang kami yet you're destroying us. Mahal ko siya alin ba sa tatlong salita na yun ang hindi mo maintindihan?" I hissed at him.

Tumayo siya at saka lumapit sakin, "Love him but I won't let you see him. Love an invisible man, Mandy. Hanggang Montemayor ang apelyido niya at kapatid niya ang babaeng yun hindi ako papayag sa relasyon niyo." And he left.

My brother used to be the most caring and lovable guy here on Earth. Mahal na mahal niya ko at ganun rin naman ako sakanya pero sa ginagawa niya ngayon parang hindi na siya ang lalaking iyun.

I followed him in the veranda. "Kuya please. Leave us alone with your issues. I can help you reconcile with Ate Angel yes I can do that Kuya."

Bumuga siya ng usok bago nagsalita, "Reconciliation with her? You've gotta be kidding me Mandy." hindi ako makapaniwalang nakakatawa pa siya ngayon.

"Hindi ako nagbibiro Kuya."

"Stop it Mandy. You'll never convince me. Hindi na magbabago isip ko. You won't see that guy and I'll have my child. End of conversation."

Paalis na siya ng ako naman ang humablot sa braso niya, "Alam mo ba Kuya kung ano sinabi ni Angel kay Tofer nung nagtatanong about his father Huh?" I looked at my brother's eyes.

"She said, 'Dydy is not here because of Mimi don't be mad at him baby  He's a good man Tofer a very good man'."panandaliang lumambot ang mukha ni Kuya pero agad din nawala.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon