KABANATA LXIII

24.7K 414 13
                                    

KABANATA LXIII: Wedlock

"Pero 'wag kang maalala, Ken. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko noon. Hindi kita iiwanan dahil lang sa kababawan ko. I will stay as long as you want me to. We have Calen and Caleb. Siguro nga tama ka, we should be contented with what we have."  Ngumiti ako habang patuloy sa pagbuhos ang luha sa aking mga mata.

Nanatili siyang walang kibo at hindi makatingin sa aking mga mata. "Don't be pressured, Ken. Siguro nga kahit alukin mo man ako ng kasal ngayon imbes na matuwa ay masasaktan lang ako. I don't want to force you into something I know you're not ready."

Tumayo ako at marahang nagpunas ng mata. Bahagya kong hinapit ang dress na suot ko at tumalikod sakanya. "B-Bumalik ka na sakanila. I'll stay here. G-Gusto ko nang magpahinga." Agad akong nagmartsa patungo sa banyo at mabilis na isinara ang pintuan nito.

Nang maisara kong mabuti ay unti unting nawala ang lahat ng lakas na meron ang mga tuhod ko. Naadausdos ako at nanghihinang napaupo sa sahig. I just made a fool out of myself.

Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto, senyales na tuluyan na siyang lumabas ng silid. It's a sign that he chose to run away and turns his back on me. I felt so bad for myself. Hanggang ganito lang siguro talaga kami. I should learn how to settle on what he can give.  Hindi ako pwedeng magdemand kasi all this time malinaw naman sakinna walang kasiguraduhan ang pinasok ko.

We've been through a lot. From being total strangers to unwed parents, I must say everything happened so fast and in so much bliss. Sa sobrang bilis nga siguro ay nakalimutan ko nang lumaklak ng kaunting realidad. Na hindi porke't mahal ko siya at maaring mahal niya rin ako ay sa simbahan na kaming tutuloy na dalawa.

Hindi tama ang kasabihang  Sa hinaba-haba ng prusisyon sa simabahn din ang tuloy. Kasi sa sitwasyon namin  ni Ken, mukhang ito ang end game namin—ang maging simpleng magulang sa dalawa naming anak.

Nang mga sumunod na araw ay mas naging malayo kami sa isa't-isa ni Ken. Para kaming bumalik sa dati, nagkakailangan at hindi nagkikibuan. Kung talaga makikita kami ay aakalaing hindi kami magkakilala.

Kadalasan ay nagkikita na lang kami pag sabay na umiiyak ang kambal. Hindi kami kumuha ng Yaya kaya sariling sikap kami sa lahat. Nasabi ko na rin bang imbes na sa isang normal na tahanan kami tumira ay minabuti niyang dito sa bachelor's pad kami tumuloy ng mga anak niya. Pinaayos niya lang ang isang guest room at pinaconvert sa nursery.

Dapat talaga ay noon pa man, naisip ko ng wala siyang balak na mag-asawa. He's not even planning to buy a house of his own. Yung tunay na bahay at hindi sa isang building na tulad nito.  

"Iha, aalis na ko. Nasa kusina na ang ulam niyo kung gusto mo ay initin mo na lamang mamaya. Tumawag na kasi ang Mommy mo. Kailangan raw niya nang katulong sa pagluluto ng mga putahe sa mansion."  

"Sige po, Ya. Salamat."

Si Yaya ang naging parang personal cook namin. Dahil pareho kaming hindi marunong magluto ay kailangan naming mabuhay ng hindi umaasa sa processed foods. Hindi rin naman siya stay-in dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan nina Dad sa pagkain sa bahay. Kaya kapag medyo maluwag ay bumibisita siya para ipagluto kami at para na rin tulungan kami sa kambal.

Pagkaalis ni Yaya ay naiwan na kaming mag-iina sa condo. Lumabas si Ken kanina at magpahanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Hindi ko siya matawagan dahil nga may silent war kami pero medyo nag-aalala na ako.

Ilang beses akong sumulyap sa orasan sa dingding. Binilang ang bawat galaw ng kamay at nagdasal na sana ay umuwi na siya. Hindi naman ako nabigo dahil 15 minutes bago mag alas-diyes ng gabi ay bumukas ang pinto. Pumasok si Ken at bakas sa mukha niya ang pagod.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon