KABANATA LIX: Kuya
Everyone is saying that when it rain it pours. Ken and I have experienced the worst period of our lives and it's really a gazillion of problems back then. But now that everything is in place, I can't believe we'll be given a chance to be this happy. A chance to be parents to not just one but two little bundle of joys.
Masayang-masaya kaming lumabas ng clinic ni Dra. Velez. Binigyan niya ko ng ilang vitamins at schedule ng mga check-up ko hanggang sa makapanganak ako. Pare-pareho kaming hindi makapaniwala sa magandang balita na nalaman namin ng araw na 'yun.
Si Kuya nakuha pang mainggit sa amin at pinilit si Ate Angel na sundan na nila si Tofer. Nakatikim tuloy siya nang malakas na batok.
"Yes, Ma! Opo uuwi kami agad diyan." Kausap niya si Tita. Nang masigurado namin ang lahat mabilis pa sa alas-kwatrong dumukot siya ng telepono para ibalita sakanila ang naging resulta. Tulad namin, excited din sila at narinig ko pang kailangan na raw nilang mamili para sa isa pang kambal ng pamilya.
Nanghihinayang naman ako sa mga pinamili ni Tita. Sana ay kung hindi man sa babies ko ay may mapaggamitan pa ang mga 'yun.
"Congratulations, Princess!" mahigpit na yakap ang binigay sakin ni Kuya. Isindandal ko sa dibdib niya ang ulo ko.
"My baby is now a Mommy." Malambing na bulong niya.
"I'm excited, Kuya." Pag-amin ko.
He chuckled. "You should be, Princess. It's an addition to the clan and a start of your own family."
Ngiting ngiti kaming dalawa. Sa sobrang tuwa nga namin, hindi ko napansing katabi na pala namin sina Ate Angel na nakangiti habang pinagmamasdan kami. Humiwalay ako kay Kuya at siya naman ang yumakap sakin.
"I'm happy for you and my brother. Take care of yourself, hayaan mo si Ken malaki na 'yun," biro niya.
"Mas baby pa yata siya kaysa sa magiging anak namin." Humalakhak siya.
"Pagpasensyahan mo na ang isang 'yun. He's my baby brother after all."
Ngumiti ako at tumango. Humiwalay ako sa yakap niya. Kapagkuwa'y sabay-sabay din kaming naglakad palabas ng ospital. Todo sa pag-alalay sakin si Ken.
"Hindi ako mababasag, Ken. Easy ka lang." suway ko.
Ngumisi siya, "No one's stopping me from taking care of my family. Lalo pa't alam kong tatlo kayong kailangan nang pangangalaga ko." Sabi niya nang di inaalis ang liwanag sa labi. Hindi man lang siya nabwisit sa pagpipigil ko sakanya. Bagkus'y nakangiti lang ang mga labi niyang kulang na lang ay dumugtong sa tenga niya.
He's very happy and I'm proud I'm the one responsible for his smiles.
"M'my he's the little boy I'm telling you!" naputol ang pagmumuni at kasiyahan namin nang tumatakbong lumapit samin si Kristofer.
Aligaga siyang nagtatalon at agad itinuro ang batang lalaki na nakahilig sa pagkakaupo sa wheelchair. "'Yung may cut sa eyebrows?" tanong ni Angel bago lumuhod sa level ng anak.
Tumango ito. "Yes, M'my! And his left arm is casted."
"Is that your friend, son?" si Kuya na katabi namin ni Ken.
Nakakapit ako sa braso niya at hinihintay ang susunod na sasabihin ng bata. Maraming tao sa hallway pero natatangi nga ang batang 'yun kasi nag-iisa siya at tangin ang nurse na naglalagay ng kung ano sa kamay niya ang kasama.
"No Dad, but he's alone. I want to find his Momma para hindi na siya iiyak." Inosenteng tugon nito.
"Anong klaseng magulang ba 'yan at iniiwan ang anak?" tiim na bulong sakin ni Ken. Salubong ang kilay niya at halata ang pagkairita.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.