KABANATA XLII: Endgame
Sometimes leaving isn't a sign of weakness, but how strong you are as a person.
Leaving Ken hanging on a thread isn't planned. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na dadating kami o ako sa puntong kailangan kong mamili sa pagitan ng taong mahal ko at ang kapakanan ng pamilya ko.
It's like choosing between 2 important things in your life that once you let go of the other the pain is equally devastating. Kung mananatili ako sa tabi niya hindi tiyak kung hanggang kailan yun tatagal pero kung iiwan ko siya ngayon palang masasaktan siya pero darating ang oras na hindi na siya makakaramdam ng sakit at magmamahal ulit siya.
Nang babaeng mas higit kaysa sa akin.
Ang iwanan siya ay isang bagay na mabigat sa aking kalooban. Halos hindi ko magawang humakbang palayo sakanta pero iyun ang hinihingi ng pagkakataon.
Mabagal akong naglakad patungo sa parking lot. Marahil ay nandito na si Jasper at kanina pa ko hinihintay. I look like a mess. Kalat-kalat ang make up ko at talaga namang masakit ang buo kong katawan lalo na ang ibabang parte ng aking pagkababae.
But everything was worth it. Every prick of pain is worth it. He's worth it.
Hindi pa man ako nakakalapit sakanya ay nakita ko na ang mapanuring mata ni Jasper. Nakasandal siya sa kanyang Trailblazer at humihithit ng sigarilyong nasa kaniyang bibig.
Walang salita akong sinabi basta na lang akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Hindi rin nagtagal ay nakapasok na rin siya. Amoy na amoy ko ang samyo ng sigarilyong nagmumula sakanya.
"So you're done?" nanunuyang tanong niya.
Hanggang ngayon ay hindi natatanggal sakin ang pakiramdam ng mga halik ni Ken. Nanunuot sa kaibuturan ng aking balat ang lahat ng nangyari kanina. Nakakalungkot lamang na hindi ko man lang nagawang tumagal sa tabi niya sa unang gabi na pinagsamahan namin.
"Pagod na ko, Jasper." pagod na sambit ko.
Mahinang halakhak ang kaniyang pinakawalan. "Okay I'll take you home." Aniya at pinaandar ang kaniyang sasakyan. Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi. Home? May ganung lugar ba para sa isang tulad ko na ibinenta ng mga magulang ko.
Mapait akong napangiti. Idinikit ko ang aking mukha sa bintana. Pinagmasdan ko kung pano unti-unting nagpalit ang mga ilaw sa daan. Hindi ko kayang pakiharapan ng normal si Jasper matapos ang nangyari kahit pa pamilya ko ang may utang na loob sakanila.
Tuluyan ng nabalot ng nakakatakot na dilim ang paligid. Kasabay nun ang pagpikit ko at hiling na sana panaginip lang ang lahay ng ito. At bukas pagkagising ko ay isang magandang umaga ang sasalubong sakin.
How I wish.
_ _ _ _
Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo at pagod na pagod ang katawan. Halos hindi ako makagulapay sa kamang kinahihigaan ko. Inilibot ko ang aking mata sa kwartong pamilyar sa aking paningin.
'So dito pala niya ko inuuwi kagabi' wala sa loob kong nasabi sa sarili. Buong akala ko ay dadalhin ako ni Jasper sa kung saang lugar na malayo sa lahat pero heto ako nakahiga sa sarili kong kama sa bahay namin.
"Senyorita kakain na po." Narinig kong sigaw ng isa sa mga kasam-bahay namin.
Kahit masakit ang ulo ko ay pinilit kong bumangon para pagbuksan siya. "Pakisabi susunod na lang ako." Sambit ko at muling bumalik sa aking kwarto.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.