Kabanata XXXVII: Oh crap!
Hindi ko alam kung paano ako nadala ni Ken sa condo niya. Nanginginig pa din ako sa sobrang kaba dahil sa mga nangyari kanina. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kabog na nararamdaman nito.
Ayokong isipin na totoo ang lahat. Isang masamang panaginip lang yun at isang bagay lang ang gusto kong mangyari, gusto ko ng magising. I need to wake up from this nightmare.
"You're shaking, baby." Ani Ken.
Napatingin ako sakanya ng marinig ko yun. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Alam kong pagod siya sa byahe at dumadagdag pa ko sa iisipin niya.
"I'll be fine." Maikling sagot ko.
Mahigpit ang hawak ko sa baso ng tubig na kabibigay lang niya. Para bang sa higpit ng hawak ko ay duon ako humuhugot ng lakas para hindi mapahagulgol sa harap niya.
Naupo siya sa harapan ko. Binawi niya ang baso sa aking mga kamay at mahigpit niya tong hinawakan. "I saw how afraid you are. Tell me what happen?" Nagsusumamo ang boses niya. Halata ang pangamba sa kaniyang tinig na animo'y natatakot din sa isasagot ko.
I opened my mouth but no words came out. Napalabi tuloy ako dala ng pangamba sa magiging reaksyon niya.
Mahal ko si Ken, kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya ang katotohanang may ibang gusto ang mga magulang ko para sakin. Alam kong higit samin dalawa mas masasaktan siya dahil lahat ng effort sa relasyon na to ay ginawa na niya.
"Ken, you don't need to know." Halos hindi ko na marinig ang sinabi kong iyun. Alam ko lang ay nakita ko kung paano nag-igting ang panga niya na parang nahihirapan siya sa sinagot ko.
"Ganun ba." Mariin na sagot niya. Napalunok ako ng sunod-sunod sa sobrang lamig ng tugon niya.
Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa mga kamay ko. Dama ko ang pagpipigil niya ng mga oras na yun. Ipinikit ko ang mata ko. Paano ko sasabihin sakanya ang nangyari kung simpleng pagsabi ko na hindi na niya kailangan malaman ay ganun na lang ang reaksyon niya.
Nang muli akong magmulat ay nakita ko si Ken na mariing nakatitig sa mukha ko. Halos tumagos na sa katauhan ko ang mga titig niya na parang anumang oras ay malalaman na niya ang tinatago ko.
Dala ng halo-halong emosyon na nararamdaman ko ay bigla kong iniligay ang kamay ko sa leeg niya at hinalikan ko siya sa labi.
I could smell his manly musk and the minty flavor lavishly surrounding his mouth. I lost it. His lips enveloped my heart with warmth.
Pinikit ko ang aking mga mata. Gusto kong mabura ang halik ni Jasper kanina. Gusto kong mabura sa isipan ko yung posibilad. Gusto ko si Ken lang at tanging siya lang, wala ng iba.
Tumugon siya sa halik at masinsinang sinuyod ang aking mga labi. Maingat ang bawat galaw niya na para akong isang babasaging pinggan na pwedeng mabasag anumang oras.
Our lips moved together in a familiar rhythm. His lips are soft and sweet at the same time. Hindi ko na kayang huminto sa ginagawa namin.
'Is this the time?' I asked myself of the possibility. I know pareho kami ng nararamdaman ni Ken. Pareho kaming napapaso sa init na bumabalot saming dalawa.
Nagwawala na ang kung anumang magaslaw na hayop sa aking tiyan. Tila ba mas kinikilig pa sila kaysa sakin. Maging ang puso ko ay panay ang tambol mula sa aking dibdib. Hindi ko alam kung kaba ba ito o pagkasabik sa maaring mangyari.
Just as I thought were about to do the inevitable. Pinaghiwalay niya ang labi naming dalawa. I opened my eyes. Nakapikit siya ng mariin. He rested his forehead on mine. His breathing is uneven and I could see his cheeks burning red.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.