Dedicated to @kvuc28....
KABANATA XXXI: Together.
Ilang beses na kong nagkusot ng mata at pumikit. Hindi ako makapagsalita ni hindi ko magawang gisingin 1siya. Wala akong ideya kung paano ako nakarating dito. Ang huling naaalala ko ay may sumalong lalaki sakin and everything is nothing but black.
Imposibleng si Ken yun dahil iba ang narinig kong boses. Pero heto ako ngayon kasama siyang nakahiga sa kama at mahigpit ang yakap sakin. Kung nanaginip ako ngayon, sana ay hindi na ko magising. It's been a long time since we got this close.
Umupo ako sa tabi niya. I stroked his messy hair. Mukhang pagod na pagod siya.
I'm still feeling very sick but seeing him with me is enough to feel so much better. Hindi ko na alintana ang taas ng lagnat ko o ang pananakit ng ulo. Basta kasama ko siya nothing else is important.
I've learned my lesson. This man beside me has done so much and maybe it will be fair to him that I exert the same amount of effort that he deserves.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung nasaktan ba si Ken dahil sa pagbanggit k okay Chrome o sa mismong pagkakalimot ko ng monthsary namin. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan lahat basta ang alam ko lang babawi ako sakanya.
At dahil nga gusto kong bumawi sakanya, dahan-dahan akong bumaba ng kama. Ipagluluto ko siya ng kaisa-isang ulam na kaya kong lutuin. Sigurado naman akong meron siya nung mga ingredients na kakailanganin ko.
Tinuro sakin ni Kuya kung paano to lutuin. Noong mga panahon kasi na yun ay namutla ako sa sobrang gutom sa bahay. Naiwan akong mag-isa at sakto naman ang pag-uwi ng mga katulong namin sa probinsya. Dahil nga hindi ako marunong magluto napilitan akong mag tinapay lang sa buong maghapon. Pag-uwi ni Kuya maputla na ko at nahihilo sa gutom.
Sabi tuloy niya dapat matuto ako ng kahit isang putaheng ulam lang.
Masyado akong naging abala sa pagluluto at hindi ko na namalayan ang oras. Buti na lang at tulog pa si Ken magpahanggang ngayon. May panahon pa kong ayusin ang nagkalat na gamit niya sa sofa.
Inilapag ko sa dining table ang bagong lutong ulam. Yung kanin na lang ang kulang pwede ko ng gisingi si Ken. Isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na bote sa sahig. Dadamputin ko na sana ang huling bote ng muli ako makaramdam ng hilo.
Ngunit ang ikinabigla ko ay ng may sumalong matitigas na braso sa akin. Pamilyar sakin ang amoy na iyan. It's the same manly and addicting scent that cuddled me all night. He smelled so good that you won't even think he just got out of bed.
"Are you really trying to kill yourself?" tiim bagang na sabi niya. Madilim ang kaniyang mukha habang may bakas ng pag-aalala ang mga mata nito.
Pwede palang magkaroon ng dalawang emosyon ang isang tao sa magkasabay na oras. Kitang-kita ang pagkainis sa mukha niya.
Hindi ako agad nakasagot. Hinayaan ko lang siya na iupo ako sa sofa. Agad kong naramdaman ang malamig niyang palad sa leeg ko.
"Nilalagnat ka pa. Bakit bumangon ka na?" bigla siyang natigilan. Para bang may nakitang hindi niya nagustuhan at ng sundan ko ang direksyon na tinitingnan niya. Napakagat-labi ako. He's staring at the plate on the dining table with my freshly cooked adobo.
"And you even cook." Naiinis na sabi niya. Mas lalong napadiin ang kagat ko sa labi. Napayuko na lang ako habang pinaglalaruan ang laylayan ng aking damit. "G-gusto ko lang naman ipagluto ka. Kahit ngayon lang."
Hindi ko inaakalang maririnig niya ang bulong ko. "Yes I know that pero nilalagnat ka ni hindi pa bumababa yung lagnat mo."
"Dito ka lang ikukuha kita ng pagkain." Hindi na niya ko hinintay sumagot at madaling nagtungo ng kusina.
BINABASA MO ANG
Somebody To Call Mine (Completed)
General Fiction{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.