" hon.. " tawag ko sa kanya. Kakatapos lang ng praktis nila. Maaga sila nagsiuwian ngayon. Agad kong pinatay ang apoy ng stove at tinanggal ang apron ko.
" hon? " tawag ko sa kanya. Walang sumasagot? Naglakad naman ako papuntang kwarto namin. Nakita ko naman syang nakahead phones. Napangiti nalang ako at lumapit sa kanya.
" oh.. " huling adlib nya at binuksan ang mga mata nya.
" susmaryosep! " gulat na saad nya ng makita nya akong nasa tabi nya nakasandal sa computer table nya. Nakacrossed-arms.
Tinanggal nya naman ang headphones nya at hinarap ako.
" akala ko ba, rest day mo ngayon? eh ano yan? " tanong ko sa kanya at nakataas ang kilay. Nakita ko naman syang natawa sa sinabi ko.
Marahan nya akong hinila at inupo sa mga hita nya. Agad nyang niyakap ang bewang ko at inidinantay ang mukha nya sa braso ko.
" rest day nga e, hindi ka dapat nagpapractice tsaka isa pa, bahay kaya to hindi studio " reklamo ko pa sa kanya. Kaya nga kayo binigyan ng rest day para magpahinga hindi magpractice ulit.
I heard his giggle.
" oh bakit? tama naman ako ah " saad ko sabay harap ng mukha ko sa kanya. Nakapamewang pa.
" oo na po, sorry na po.. " paghihingi nya ng tawad. Tinignan ko naman sya.
" nako chin, ayaw ko ng ganyang mga tingin ha.. " pagbabanta nya. Dahan-dahan naman akong napangiti at mukhang alam niya na.
" chin.. " tinanggal nya ang mga brasong nakayakap sakin kanina at sinimulan na nya nang protektahan sarili nya.
" hon, " tawag nya pa ulit.
" Hon ! ta-tama na " natatawang pagmamakaawa nya. Hindi pa rin ako tumigil sa pagkikiliti sa kanya.
" t-tama na please " natatawang saad nya. Tama na, Rein. Hiningal ako dito sa lalaking to.
Parehas kaming napahiga sa carpet sa living room. Natawa nalang din kami. Hingal na hingal kami, halos ikutin ba naman namin itong bahay. Eh tumakbo siya, hinabol ko siya. Pero syempre, nahuli ko pa rin sya at nakiliti.
Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.
" hon, sasama ka ba sa tour? " tanong nya sakin. Nawala naman ang mga ngiti ko. Gustong-gusto ko siyang samahan, gustong-gusto.
Agad din nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jah. Agad naman syang bumangon at marahang binitawan ang kamay ko.
" magbibihis lang ako, napagpawisan na ako " paalam nya.
Alam kong alam nya magiging sagot ko.
Naglakad sya paalis ng living room at pumunta ng kwarto. Nalungkot nalang ako bigla.Magmula noon, hindi ko siya masamahan. Last na sama ko na ata noong nagpropose sya sa akin. Eh ako dapat mangsusurprise pero mukhang nasurpresa din ako. Matapos noon, hindi na ulit ako nakasama at hindi ko na siya ulit nasamahan. Lagi na akong busy sa trabaho. Mahaba ang schedule ng tour nila. Tatlong buwan, dahil sa maraming bansang napupuntahan nila. Hindi ko rin kayang iwan ang trabaho ko ng tatlong buwan. Kada may dadating na tour ang SB19, lagi nya akong tinatanong kung sasama ako pero kung ilang beses nya na akong natanong, ganung ding beses ako humindi. Kaya hindi nyo na lang din sya masisi kung ganun ang inakto nya.
Natapos kaming kumain nang hindi na ulit na open ang topic na yon. Minsan naiisip ko, kung kailangan ko ba talagang sumama dahil trabaho nya din yon. Ayoko lang din makagulo, dahil syempre mas makakapagfocus sya kung wala ako doon.
Agad akong pumunta sa kama at umupo sa tabi nya. I caressed his back and look at him. Busy syang magphone. Niyakap ko naman sya at dinantay ang baba ko sa braso nya.
" you're playing ? " tanong ko sa kanya sabay tingin sa nilalaro nya sa phone. Tinignan ko ulit sya. Hindi siya gumalaw at walang ekspresyon ang mukha nya. Busy syang maglaro.
Maya-maya, bigla syang sumigaw.
" shit ! bobo naman ! " biglang saad nya. Libangan nya pa rin maglaro kahit ganito na edad namin. Maliban sa pagdadrawing, ito pa rin ang libangan nya.
Napabalikwas ako sa sigaw nya. Binitawan nya naman sa inis ang phone na hawak nya. Pinanood ko lang ang ginawa nya. Nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya. Maya-maya, tinignan nya ako. Tinignan ko din sya.
He kissed my forehead. Na ikinagulat ko. Natulala ako sa kanya. Napaiwas din ako ng tingin.
" hmm? why? " tanong nya.
" akala ko galit ka sakin.. " malungkot kong saad at kumalas sa yakap ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghimas nya sa likod ko.
" alam mo hon kung bakit kita laging tinatanong? " biglang saad nya.
" bakit? " tanong ko habang nilalaro mga daliri ko.
" pakiramdam ko kasi nag-iisa ako kapag nalalayo ako sayo. Pakiramdam ko, miss na miss kita. Tsaka gusto kong napapanood mo ako, at nakikita kita habang nagpeperform para mamotivate ako " napatingin naman ako sa kanya sa sinagot nya.
Napayuko naman sya.
" sorry kung childish pakinggan hon, " saad nya.
Napangiti naman ako sa kanya at niyakap ulit sya.
" I'm sorry.. " saad ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghawak nya sa ulo.
" wala ka namang dapat ipagpasensya, masyado lang siguro akong immature sa point na may trabaho ka din, tsaka mag-asawa na tayo, hindi lang girlfriend o boyfriend.. naiintindihan ko yun na busy ka din at hindi mo ako kayang samahan.. Masyado lang din akong nag-aalala kapag wala ako rito, kung sinong nakakasama mo, anung ginagawa mo.. iba pa rin kasi talaga kapag kasama kita.. " paliwanag nya pa. Umiling naman ako at hinarap sya.
" hon, you are not immature. Mahal mo lang talaga ako " sagot ko. Narinig ko naman syang tumawa.
" confident hon ah, Leo na Leo " natatawang saad nya. Agad ko naman syang pinanliitan ng mata at tinaasan ng kilay.
" bakit? di mo ako mahal hon? " agad kong tanong sa kanya at kumalas sa yakap. Napalunok naman sya at inalo ako.
" ito naman joke lang e " natatawang saad nya. Ngumuso naman ako sa kanya.
Agad naman akong humiga at tumalikod sa kanya. Naramdaman ko naman agad ang mga braso nya at iniharap nya ako sa kanya.
Niyakap nya ako ng mahigpit.
" alam mo hon, nasa 30s na tayo pero ganito tayong magtampuhan " biglang banat nya. Natawa naman ako sa sinabi nya. Agad ko naman syang hinampas.
" alam mo hon, nasa 30s na tayo pero yung joke mo mais pa rin, wala kang balak palitan produkto mo? " banat ko pabalik sa kanya. Natawa naman sya ng malakas sa sinabi ko.
Maya-maya, natigil kami sa pagtatawanan at natahimik. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya. Nakayakap lang ako sa bewang nya.
" chin.. " tawag nya sakin bigla.
" hmm? " tanging sagot ko habang nilalaro ang mga daliri ko sa dibdib nya.
" mahal kita " napatingin naman ako sa kanya ng banggitin nya yon.
Inilapit nya ang labi nya sakin.
Hinalikan nya ako at hinalikan ko din sya pabalik.Matapos, humiwalay kami sa isa't-isa.
" mahal na mahal din kita " sagot ko sa kanya at niyakap sya.
Hinalikan nya naman ako sa noo.
" Goodnight hon, " saad nya sakin.
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
FanfictionSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.