💍2

750 20 0
                                    

" uy Jah ! dali na kahit isang shot lang " natawa naman ako sa sinabi ni Ken. I mean hindi si Ken na kagrupo namin, si Ken na kaibigan ni Stell, namin.

" nako, magdadrive pa yan " saad naman sa kanya ni Stell at tinanguan ako. Nginitian ko naman sila.

" bawi nalang ako sa inyo sa susunod, sige na mauuna na ako baka maabutan ako ng traffic " paalam ko na sa kanila.

Agad akong nagpaalam sa mga staffs, nagcecelebrate kasi kami for another achievement na nakamit namin. Nagkaroon ng konting inuman, kasama ang mga staffs at kaibigan.

" uwi na ako kuya, " paalam ko kay Josh. Tinanguan nya naman ako at niyakap.

" mag-ingat ka magdrive, ay saka nga pala bigay mo to kay bunso oh " saad nya at tumakbo pabalik sa gamit nya. May kinuha syang paper bag.

Binigay nya ang paper bag sakin,kinuha ko naman yun at umalis na.

Tinignan ko naman ang cellphone ko.

" hindi sya tumawag sakin maghapon ah " saad ko sa sarili ko. Maghapon akong nagpractice pero ni-isang tawag o text wala akong natanggap sa kanya. Agad ko naman nang tinago ang phone ko at sumakay na sa sasakyan ko.

Medyo maaga natapos ang practice namin.  Hindi ako inabot ng madaling araw ngayon. Kadalasan kasi inaabot na ako ng madaling araw tapos nagdadrive pa din ako pauwi kaya pinapagalitan ako ni Rein. Bakit daw nagdadrive pa ako pauwi kapag inabot na ako ng madaling araw. Ayos lang sa kanya na magstay ako sa dorm kung masyado nang late para umuwi pero ako itong nagpupumilit magdrive kahit late na. Ayokong hindi ako nakakauwi sa bahay. Kapag wala ako doon, siya lang mag-isa sa bahay malamang, wala syang kasama. Ayokong nag-iisa lang sa bahay ang asawa ko. Kapag nagtotour naman kami, kasama nya sa bahay si Mama, yung mama nya dahil gusto ko di sya nag-iisa at laging may kasama. Minsan nga kapag nalalate ako ng uwi, pinapagalitan nya ako. Bakit pa daw ako nagdrive pauwi, kahit madaling araw na. Alam nya kasi laging maaga ang call time namin kaya pinagsasabihan nya ako. Hindi ako napapalagay kapag mag-isa lang sya, kung pwede lang lagi ko siyang kasama kaso hindi pwede. May trabaho din sya, may mga bagay kailangan asikasuhin at nagiging busy din siya.

Magmula noong kinasal kami, parang lagi ko nalang syang namimiss kahit sandaling panahon lang. Gusto ko lagi ko lang syang kasama o kaya nakikita, parang magjowa lang. Biro lang. Pero kasi ayaw ko na siyang mawala, ayaw ko nang may iba pang mangyari gaya nang paglalaro ng tadhana sa amin noon.

" ito na nga ba ang sinasabi ko, traffic " napasapo nalang ako ng mukha ko nang makita ang mga sasakyang kumpol-kumpol sa harap ko.

Habang naghihintay ako na humupa ang traffic, tinignan ko yung phone ko baka nagtext na sya sa akin.

" hm? wala pa din? busy kaya sya? " tanong ko nalang sa sarili ko. Agad kong in-on yung phone ko at tinignan ang messages. Wala nga talaga, linis. Message nya pa sakin kahapon. Nagtaka naman ako bigla.

Maya-maya, narinig kong binusinahan ako nang sasakyang nasa likod ko. Nagsisiandaran na pala ang mga sasakyang nasa harap ko. Napasimangot nalang ako habang nagtataka kung bakit ni-isang message wala akong natanggap.


" I'm home " saad ko. Hinihintay kong bumungad asawa ko at yakapin ako pero wala. Ang tahimik ng bahay, wala pa ba sya?

" hon? I'm home ! " mas malakas ko pang sambit. Tumingin naman ako sa kusina kung andoon siya, pero wala. Agad naman akong dumiretso sa kwarto namin.

Nakita ko siya, nakaupo sa kama. Nakatalikod siya sakin. Marahan ko namang ibinaba yung mga dala ko at  nilapitan sya. Sumampa ako sa kama at niyakap siya. Hinalikan ko pisngi nya at dinantay ang baba ko sa balikat nya.

NS: ILY : Mr. & Mrs. De DiosWhere stories live. Discover now