Justin's
Napahiga agad ako sa kama sa pagod. Worth it naman ang pagod. Nakakatuwang makita ulit sila. Hanggang ngayon, sobrang natutuwa pa din ako tuwing binabanggit ang International A'TIN. International, iba't-ibang nationalities, iba't-ibang bansa.. Hindi namin inasahan na ganito ang mangyayari. Oo, pinangarap namin ito. Ngayon, talagang totoo na. Hindi ko din inasahan na tatagal kami ng ganito. Parang dati lang---
Agad akong napabangon nang marinig ko yung phone ko. Tinignan ko naman kung sino yung tumatawag.
" Zai? " saad ko sa sarili ko at agad naman nang sinagot ang tawag.
" oh Chairman! Napatawag ka? " bungad ko sa kanya. Narinig ko naman syang tumawa.
" Chairman ka dyan ! kanina pa kita tinatawagan, ngayon mo lang nasagot? " nagulat naman ako at napaisip sa sinabi nya.
Kanina nya pa ako tinatawagan? Bakit?
" katatapos lang ng concert namin, kakarating ko lang din sa hotel " sagot ko sa kanya.
Nakakunot pa din noo ko sa sobrang curious kung bakit ilang beses nya akong tinawagan.
" bakit ka pala napatawag?? " tanong ko sa kanya.
Narinig ko naman syang bumuntong hininga.
" Zai? " hinihintay ko siyang magsalita.
" si Rein kasi .. " saad nya.
Napatayo ako paalis ng kama.
Biglang nagpanic utak ko." Bakit?! anong nangyari sa kanya? " agad-agad kong tanong.
" kanina, magkasama kasi sila ni Shine tapos nawalan ng malay si Rein.. " sagot nya sa tanong ko.
Agad naman akong nag-alala sa narinig ko.
Nawalan sya ng malay? Bakit?" Nawalan sya ng malay? Anong dahilan? kumakain ba sya? masama pakiramdam nya? Ayos na ba sya? " sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
" Ayos naman na sya, hinatid ko din sya sa bahay nyo.. " sagot nya naman. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot ni Zai.
" Salamat Zai sa pagtawag sa akin, " saad ko sa kanya.
" Kailangan kong ipabalita sayo, alam ko namang lalo kang mag-aalala kapag pag-uwi mo pa dito saka mo lang malalaman.. " saad nya naman sakin.
" Sige, I have a meeting.. have a rest, always take care " pagpapaalam nya.
" Sige salamat ulit, " saad ko
Yung asawa ko..
Kamusta naman kaya sya ngayon.." Oy Justin! Jah ! Jah! " rinig kong sigaw ni Stell sakin. Wala na akong oras para tignan sya.
Irita ko naman syang tinignan.
" Maghunos dili ka nga! nasa tour ka! Alam kong alam mong naiintindihan ni Rein yon, " naririnig ko siya pero patuloy pa din ako sa pag-impake at sinara na ang maleta ko.
" Sandali nga! " bigla namang ibinababa ni Kuya Josh ang maleta ko.
Agad naman akong hinawakan ni Ken at inupo nila ako pabalik sa kama.
" Jah, ilang oras na lang oh! " inis na saad ni Pablo sakin. Nakahawak pa siya sa buhok nya. Iritang-irita sya.
" Ilang oras na lang oh! Flight ko na pauwing Manila " saad ko sa kanila.
Nanlaki naman ang mga mata nila at nakanganga.
" UUWI KANG MANILA?! NABABALIW KA NA BA ?! " sabay nilang saad. Oo, silang apat. Diba nga sabi nila, in-sync ang SB19. Oo, pati ito sabay-sabay din.
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
FanfictionSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.