" Excuse po, saan po room ni Rein De Dios? " hingal na tanong ni Justin sa nurse na nasa lounge. Kasama nito ang apat na mga lalaki. Kabababa lang nila ng eroplano at agad nang dumiretso sa ospital." Room 147 po, sa may second floor " sagot naman ng nurse sa kanya. Agad-agad na tumakbo si Justin papuntang elevator. Sa kamamadali ay nakalimutan na nitong magsabi ng thank you kaya ang apat na kuya nya na lamang ang nagpasalamat sa nurse.
Nagmamadaling pinipindot ni Justin ang boton ng elevator ngunit ang bagal nitong bumaba.
" Hindi kakayanin " saad ni Justin sabay takbo papunta sa kanang hallway kung nasaan banda ang hagdan. Nagulat na lamang ang apat na kasama nya. Tinanggal naman ni Josh ang kanyang bagpack at ibinigay kay Pablo at agad na sumunod kay Justin. Nagkatinginan na lamang ang tatlo na nag-aalala din.
Kung namumutla na sa nerbyos si Justin. Mas grabe naman ang kaba sa dibdib ni Josh nang malaman ang balita.
Kabababa lamang ng eroplano sa airport. Andaming nag-aabang sa muling pagbalik ng grupo sa Pilipinas. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay agad na sinalubong ng mga fans at press ang grupo. Halos di na kinakaya ng mga guard ang mga tao. Nagmamadali nalang din maglakad ang mga lalaki para makalabas agad ng airport.
Pagkalabas ay agad bumungad sa kanila ang van na itim na kanilang sasakyan. Pagkasakay sa sasakyan, nakahinga naman na ng maluwag ang limang lalaki.
" Grabe, muntikan na akong maipit doon " saad ni Josh sabay tanggal ng sumbrero nito.
" Kung marami ang tao doon noong umalis tayo, nakalimutan kong mas madaming maaaring sumalubong sa atin dito " natatawang sabi naman ni Pablo. Napatawa panandalian ang limang lalaki.
Maya-maya, biglang nagvibrate ang cellphone ni Josh sa kanyang bulsa. Agad naman nya itong sinagot nang makita ang caller I.D ng mama nya.
" Hello ma " sagot nito. Biglang tumahimik sa kabilang linya.
" Ma, andya-- " di nya naituloy ang sasabihin nya nang sumagot na nanay nya.
" Nak, si Rein, isinugod sa ospital "
Agad namutla si Josh sa kanyang narinig
Hindi alam ni Josh ang sasabihin or iaakto. Ang nasa isip nya lang kung ayos lang ba ang kapatid nya.
Nang makita ang Room 147, agad namang binuksan ni Justin ang pinto ng kwarto at sumunod din pumasok si Josh.
Napatayo naman sa gulat ang mga kasama ni Rein sa kwarto.
Nakita nitong nakahiga at natutulog si Rein. Agad namang nilapitan ng kanyang ina si Josh at Justin.
" Ma, anong nangyari? " Tanong ni Josh sa kanyang ina.
Napahinga nalang ng malalim ang kanyang ina. Agad namang nilapitan ni Justin ang kanyang asawa.
" Jah, " tawag naman ni Zai. Agad namang napaluhod ito para matabihan ang asawa. Nangingilid ang luha sa mga mata nito, epekto nang sobrang pag-aalala.
Maya-maya naman ay kumatok na ang Doctor at pumasok sa silid.
" Doctora, kamusta po ang kalagayan ng anak ko ? " Agad na tanong ng ina nito.
Imbis na sagutin nito ang tanong ng ina ni Rein ay iba ang hinanap nito.
" Sino po ang asawa ni Mrs. De Dios? " tanong nito.
Napatingin naman silang lahat kay Justin. Agad naman syang napatayo.
" Ako po " sagot ni Justin.
" Pwede po ba tayong mag-usap? " tanong ng doktor sa kanya. Huminga naman sya ng malalim at tumango.
Sumama naman sya sa doktora palabas ng silid. Pagkalabas ng dalawa ay agad ding napaupo ang nasa loob.
" Ma, ano bang nangyari? " tanong ulit ni Josh sa kanyang ina. Wala namang maisagot ang kanyang ina dahil ang gusto nya ay si Rein ang magsabi neto sa kuya nya. Nangako sya sosorpresahin nila ang kuya nya sa balita.
Naiinis na si Josh dahil nag-aalala ito sa kapatid nya. Napatayo na lamang sya at tinignan ang kapatid.
" Bunso.. " saad na lamang neto. Bigla namang nagbukas ang pinto. Napatingin ang lahat sa mga taong nasa pinto.
Ang tatlo, sila Pablo,Ken at Stell.
" Good afternoon po, ehe " bati ni Stell. Nahihiya namang pumasok ang tatlo at inabot naman ni Pablo ang bag ni Josh.
Agad din naman silang nagmano sa nanay ni Josh. Pinaupo naman muna silang tatlo.
Sobrang tahimik ng silid. Walang naghamak mag-usap o magsalita. Hinihintay lamang nila na magising na si Rein.
Maya-maya ay nakita nilang dumilat na si Rein at nagising. Agad naman silang nagsitayuan at lumapit sa kanya. Kasunod naman neto ang pagbalik ng doktor at ni Justin.
Nagmadaling lumapit si Justin sa asawa nya at agad naman itong tinabihan. Hinawakan naman ni Justin ang kanyang kamay.
" Hon.. " sambit nito kay Rein. Naiiyak naman syang tinignan ni Rein.
" Can you please give us some time? " Tanong nang doctor. Tinawag naman ng assistant nurse sila Josh at ang kanyang ina . Napatayo naman sila Josh at inaalayan palabas muna ng silid.
" Doc, " naiiyak na sambit ni Rein sa doctor. Huminga naman ng malalim ang doctor bago ipabalita sa kanya ang resulta ng tests na ginawa sa kanya.
" Your little angel is alive and safe, you don't have to worry.. " agad namang nabunutan ng tinik sa dibdib ang mag-asawa lalo na si Rein.
" It is a false miscarriage, nagbleed because of some problem.. hindi ka nakunan o ano pa mang iniisip mo sa ngayon... " Paliwanag ng doctor sa kanya. Napapikit naman sya at napahinga ng maluwag.
" Are you being stress lately? " Tanong ng doctor sa kanya. Nakatingin din naman sa kanya si Justin. Tinignan din nito ang asawa sa mata bago sumagot.
" Medyo po, work and some stuffs " sagot ni Rein. Napailing naman ang OB.
" Iwas po sa stress, Mrs. De Dios.. Makakasama po sa health niyo at sa baby niyo.. okay? Maiwan ko na kayo.. " saad naman ng doctor sa kanila. Napangiti naman sila at nagpasalamat.
Nagkatinginan silang dalawang mag-asawa.
" Bakit hindi mo sa akin sinabi? " agad na tanong ni Justin.
" Wala ba akong karapatan sa bata? " Biglang emote nito. Napatawa naman si Rein.
Hinawakan nya ang mukha ni Justin.
" This is my surprise to you.. di ba nangako ako sayong may sorpresa ako sayo? At magugustuhan mo.. " sagot ni Rein sa asawa.
" Hindi ko lang nagustuhan, mamahalin pa.. " saad naman ni Justin at hinalikan sa noo ang asawa. Agad naman nilang niyakap ang isa't-isa.
Maya-maya ay bumalik na din sila ng silid.
" CONGRATULATIONS REIN! " bati nila Stell, Pablo at Ken. Napangiti naman si Rein nang makita ang tatlo. Agad naman silang nagyakapan.
" Ibang klase si Jah, nag-iwan muna bago umalis tsk tsk " saad ni Pablo. Nagtawanan naman ang mga tao sa silid sa sinabi nito.
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
Fiksi PenggemarSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.