Rein's
Pagkapasok ko ng building, agad naman akong binati ng mga empleyadong nakakasalubong ko.
" Good morning, Director " bati nila sa akin. Binabati ko din naman sila pabalik at nginingitian.
Maya-maya, nakaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa ulo. Sobrang nahihilo ako. Naglakad ako ng konti para sumandal sa gilid. Pinikit ko muna panandalian ang mga mata baka sakali mawala ang pagkahilo ko.
" hindi naman ako ganon kapuyat ah, maayos naman tulog ko, bakit ganun? " saad ko sa sarili ko.
" Good morning, Director.. "rinig kong bati nila sa akin.
" Good morning " bati ko din pabalik sa kanila. Hindi ko sila matignan dahil parang umiikot ang paningin ko.
" Director? okay lang po ba kayo? " tanong nila sakin. Minulat ko naman mata ko.
" me---medyo nahihilo ako " sagot ko sa kanila. Agad naman nila akong inalalayan.
" dalhin po ba namin kayo sa clinic?? " tanong nila sa akin. Agad akong umiling.
" No no... sa office lang.. pakihatid nalang ako sa office.. " saad ko sa kanila. Inalalayan naman nila akong malakad papuntang elevator.
Habang nasa elevator ako, napahawak ako sa handrail sa sobrang hilo ko.
---
" Director !! " biglang sigaw ng dalawang empleyadong umaalalay sa kaniya.
Nawalan ng malay si Rein. Saktong bumukas ang elevator.
Nakita ng ibang empleyado ang nangyari kay Rein. Agad naman silang nagpanic nang makita ang boss nilang walang malay
" patulong! si Director! " agad naman binuhat ng isang lalaki si Rein at bumalik sila ng elevator para bumabang ground floor.
" dahan-dahan lang " saad naman ng isang empleyado.
Nagpapanic ang nasa paligid ni Rein. Dali-dali namang tinakbo ng mga empleyado si Rein.
Saktong paglabas nila, nakasalubong nila sila Zai at Shine.
" Chairman, " biglang saad ng mga empleyado nang makasalubong nila si Zai.
" anong nangyari?! " agad na tanong ni Zai. Nagpapanic na si Zai pati rin si Shine nang makitang walang malay si Rein.
" nawalan po siya ng malay sa may elevator " nag-aalalang sagot ng empleyado.
" dali, isakay sya sa kotse ko! " biglang saad ni Zai. May isa sa bodyguard ni Zai ang lumapit sa lalaking may buhat kay Rein at binuhat papunta sa kotse nya.
" Nako Rein! " nag-aalalang saad ni Shine at agad na tumakbo paountang kotse ni Zai.
Rein's
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang puting kisame. Agad ko namang inilibot ang tingin ko.
Nasa hospital ako..
" oh Thank God! Rein, you're finally awake " saad ni Shine sa akin at agad nya akong nilapitan.
" anong nangyari? " tanong ko sa kanya.
" Nawalan ka ng malay sabi ng empleyado mo, tapos ayun may isang bumuhat sayo at dinala ka namin dito sa ospital " sagot ni Shine sa akin.
" kamusta pakiramdam mo? may masakit ba sayo? " tanong ni Shine. Umiling naman ako.
" Mrs. De Dios.. " napatingin naman kaming dalawang ni Shine sa dumating.
" Doctora, what's the result? " tanong naman ni Shine.
" may sakit ba ako doctora? " tanong ko sa kaniya. Napangiti naman sya at umiling.
" You both okay " sagot nya sa akin at ngumiti.
both?
" both? " tanong ko sa kanya. Tinignan ko naman sya ng may pagtataka.
" yes, Mrs. De Dios.. you are 12 weeks pregnant.. Congratulations " sagot ni Doctora.
Nanlaki naman mata ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksyon ko.
Narinig ko naman ang pagpalakpak ni Shine sa gilid ko.
" Okay, for now, you need to rest.. please excuse myself.. " huling saad nya bago umalis.
Buntis ako..
Buntis ako..
magiging Daddy na si Jah." Rein! thank God, gising ka na.. " salubong ni Zai. Napatingin naman kaming dalawa ni Shine sa kanya.
Antahimik namin ni Shine. Walang umiimik sa aming dalawa.
" anong result? anong sabi ng Doctor? " tanong nya at marahang umupo sa tabi ni Shine.
Ni-isa sa amin ni Shine ay hindi nagsalita.
Nakita ko namang lalo siyanv nag-aalala." Rein? " tanong pa nya ulit.
Tinignan ko naman sya.
Nakatitig lang ako sa kanya." I'm gonna be a Mommy, Zai " mangiyak-ngiyak kong saad sa kanya.
Nanlaki naman mata nya at natuwa. Agad syang napatayo at sumuntok sa hangin.
" Wow! " biglang sigaw nya.
Natawa naman kami ni Shine sa reaksyon nya.
" kung matuwa kala mo siya yung tatay " biglang singiti ni Shine. Natawa naman ako sa sinabi nya.
" no babe, I'm just happy~ " saad ni Zai kay Shine. Napangiti naman din si Shine sa kanya.
" you're pregnant! omay-- oh, I'm so happy for you " masayang-masayang saad ni Zai sa akin.
Napangiti nalang din ako sa reaksyon nya.
Napatingin naman ako sa tummy ko at hinimas." kailangan tong malaman ni Jah " tuwang-tuwang saad ni Zai habang kinuha ang phone nya.
" no... " saad ko sa kanya. Biglang nawala ang saya sa mukha ni Zai.
" w-why? hindi ba dapat malaman ni Jah? He's gonna be a dad ! " saad ni Zai.
Umiling naman ako. Tinignan ko naman ulit ang tyan ko at marahang hinimas.
" so, kailan natin ibabalita kay Jah? " napatingin naman ako kay Shine.
" pag-uwi nalang nya.. " nakangiting saad ko sa kanya. Napangiti nalang din sila sa akin at nilapitan ako.
" hi buddy ~ I'm your Uncle Zai.. " saad ni Zai habang nakatitig sa tyan ko.
" and I'm your Tita Shine, hii~ " aigoo. Sobrang cute nilang tignan.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin.
Nakatagilid at tinititigan ang tyan ko." akalain mo nga naman, 12 weeks ka na palang andyan .. " natutuwang saad ko.
Marahan ko namang hinimas ang tyan ko." Baka pagdating ng Daddy mo, malaki ka na dyan.. Hindi na din ako makapaghintay na malaman ito ng Daddy mo " saad ko sa sarili ko.
Kinuha ko naman ang phone ko at kinuhaan ng litrato ang sarili ko.
Nakangiti ko namang tinitigan ang picture ko. Habang nakatitig ako, biglang pumasok sa isip ko ang instax ni Jah.
Binuksan ko ang cabinet nya at agad kinuha ang instax nya.
Inayos ko ang tayo ko at kumuha ng litrato.
Hinintay ko namang lumabas ang picture.
Mas lalo akong natuwa nang lumabas na ang polaroid picture." I don't know that this is what feels like, " nakangiting saad ko sa polaroid picture.
" hi baby~ I'm your Mommy.. and I can't wait to finally see you " saad ko sa sarili ko habang hinihimas ang tyan ko.
Jah, hindi ako makapaghintay na umuwi ka..
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
FanficSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.